Judy Ann Santos, madaling napapayag sa serye katambal si Richard Yap

Judy Ann Santos, madaling napapayag sa serye katambal si Richard Yap

Richard-Yap-Judy-Ann-SantosWALANG KAHIRAP-HIRAP ka-deal si Judy Ann Santos para mapapayag na gumawa muli ng teleserye para sa Dreamscape Entertainment. Maganda naman kasi ang naging working relationship niya with the Dreamscape team sa pamumuno ni Mr. Deo Edrinal kaya walang daming kuskos-balungos.

Kaya, maging ang manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo, nang malamang may offer para sa alaga niya na si Richard Yap ang makakatambal nito, walang isang salita, pumayag kaagad si Tito Alfie.

Ang maganda sa bagong teleserye na pinamagatang Someone To Watch Over Me, bago ang timpla ng teleserye dahil may isang golden retriever dog named “Kuya” ang may mahalagang role sa naturang serye, kung saan tampok din sina Tirso Cruz III, Mr. Eddie Garcia, at ang nagbabalik na si Diether Ocampo.

Sa mga hindi nakaaalam, si Juday mahilig sa pets. Sa katunayan, may alaga rin silang aso sa haybols nila ng mister na si Ryan. Advocacy rin kasi ni Juday na alagaan at mahalin ng tao ang “man’s best friend” dahil may buhay ang mga ito at marunong ding magmahal sa mga nag-aalaga sa kanila in return.

Sa bagong ka-loveteam ni Juday, gusto ni Tito Alfie si Richard Yap kaya hindi nag-alburoto ang manager ni Juday. Alam kasi ni Tito Alfie na professional ang makakapareha ng kanyang alaga. Sa katunayan, after ng formal announcement ng bagong serye ng Dreamscape Entertainment, nagkatsikahan pa ang dalawa over coffee, habang ang iba ay nagsipag-uwian na.

Isinabay ang story conference at ang naging formal announcement kaya nga hindi pa kabisado ng mga cast ang kani-kanilang mga role.

Masayang pagmamalaki ni Juday, “I like working with Dreamscape Entertainment dahil naalagaan nila ang kanilang mga artista. I thank Sir Deo for taking care of me. Nag-enjoy ako sa last teleserye ko sa Dreamscpe with KC Concepcion and Sam Milby. Naalagaan nila ako,” kuwento pa ni Juday.

Reyted K
By RK VillaCorta