Judy Ann Santos, laugh trip at food trip sa paglilihi

ADVERTISING

Judy Ann Santos, laugh trip at food trip sa paglilihi

Judy-Ann-SantosHAPPY KAMI para kay Judy Ann Santos ngayon nang mabalitaan nila ng mister na si Ryan Agoncillo na buntis siya sa pangalawang pagkakataon. Palaging nakangiti at laugh trip si Juday, ayon sa ina.

Matagal ding hinintay ng mag-asawa ang pagkakataong ito na hari nawa’y maging kambal (ang gusto ni Ryan) ang magiging baby nila.

Pero alam n’yo ba na ang masarap na “Spanish bread” na bini-bake ni Mommy Carol Santos ang pinaglilihian ngayon ng aktres? Food trip daw ngayon si Juday dahil last Sunday, nang bumisita ang mag-ina sa Legaspi Farmers Market sa Makati last Sunday, kung anu-ano ang mga pinagbibili na prutas ng kanyang anak.

“Ang dami niyang binili. Langka, ginataan, at kung anu-ano,” kuwento ni Mommy Carol.

ADVERTISING

Pagkatapos nilang magsimba sa St. Pio Chapel sa may bandang Libis, Quezon City, nang mag-merienda sila, ang inorder naman diumano ni Juday ay champorado, tuyo, at suman, kuwento ni Mommy Carol.

Sayang nga lang dahil lahat ng mga commitments ni Juday ay on hold muna ngayon habang nagbubuntis siya. Sayang nga at ang teleserye sana na pagsasamahann nila ni Richard Yap ay na-shelve muna. Pero gagawin din ng aktres ang Someone To Watch Over Me pagkapanganak niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING