Judy Ann Santos kay Gerald Anderson: Sana totoo ang panliligaw kay Sarah Geronimo!

ADVERTISING

 Judy Ann Santos kay Gerald Anderson: Sana totoo ang panliligaw kay Sarah Geronimo!

 Judy Ann Santos kay Gerald Anderson: Sana totoo ang panliligaw kay Sarah Geronimo! SIMPLE PERO makahulugan ang binitiwang salita sa amin ni Judy Ann Santos nang hingan namin siya ng reaksyon sa balitang panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo.

Ayon kay Juday, sana ay hindi ito ginagawa ni Gerald dahil lang sa kagustuhan o sinasabi sa kanya ng ibang tao. Hindi man sila nagkakausap pa ni Sarah na itinuturing niyang parang nakababatang kapatid sa industriya, ang hiling ni Juday sana ay maging masaya talaga ang Pop Princess at makita nito ang lala-king totoong magmamahal sa aktres/singer.

Sa tinagal-tagal sa showbizness at naipareha na rin kung kani-kanino, maaaring napagdaanan na rin ng aktres ang ganitong sitwasyon kung saan nasaktan ito sa nangyari.

Pagkatapos magbigay ng suporta kay Sharon Cuneta tungkol sa mga nagba-bash sa megastar, balitang si Juday naman daw ang bina-bash sa ngayon. Ang maganda ay walang Twitter account ang aktres, kung saan mababasa niya ang mga negative at below the belt na mga sasabihin sa kanya ng ibang tao.

ADVERTISING

Sa interview nga namin kay Juday, sinabi nito sa amin na quota na siya dati sa mga panlalait sa kanya ng ibang tao, at ‘di na niya pagbibigyan pa ang iba na gawin uli ito sa kanya tulad ng ginagawa ng karamihan sa Twitter.

SA ISYUNG lumabas na naiinis at nagrerek-lamo na raw ang ibang mga kasamahan sa grupo nilang Boys R Boys dahil ang hectic sked daw ni JM de Guzman ang rason kung bakit ‘di sila makapag-perfrom regularly sa ASAP tuwing Linggo, nagbigay pahayag sa amin ang actor/singer na hindi niya alam na may ganitong issue sa kanila ng mga kagrupo. Pero kung may katotohanan nga ito, agad niya itong ia-address sa mga kasama lalo’t totoong mga kaibigan ang turing niya sa mga ito.

Patapos na rin ang Angelito: Batang Ama na kauna-unahang lead role ni JM sa telebisyon, sobra-sobra ang pasasalamat ng aktor sa tiwala at paniniwala na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, kung saan lumabas talaga sa nasabing serye ang husay at galing ni JM sa pag-arte.

‘Di rin inaasahan na bukod kay Charee Pineda na kapareha niya sa Angelito, may chemistry rin pala sila ni Kaye Abad na ka-love triangle nila sa istorya. May sariling hukbo na rin ng mga tagahanga ang Kaye-JM tandem, kung saan bagay silang dalawa at matatangay ka talaga sa bawat eksena nilang magkasama.

 Judy Ann Santos kay Gerald Anderson: Sana totoo ang panliligaw kay Sarah Geronimo!

Kumpirmado rin na si JM ang gaganap sa pagsasadula ng buhay ni Pedro Calungsod, ang ikalawang santong Filipino, puspusan ang paghahanda na ginagawa rito ng aktor dahil bukod sa mahirap ang role na gagampanan niya bilang santo, ito ang kauna-unahang lead role naman niya pagdating sa pelikula.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING