Judy Ann Santos, kagustuhan din na matapos agad ang teleserye

ADVERTISING

Judy Ann Santos, kagustuhan din na matapos agad ang teleserye

Judy Ann Santos, kagustuhan din na matapos agad ang teleseryeMARAMI ANG nagtatanong sa amin sa Twitter kumba’t tatapusin na agad ang Huwag Ka Lang Mawawala kung kelan naman daw sila na-hook sa teleseryeng ito ng reyna ng teleserye na si Judy Ann Santos.

Kami ang tinatanong, dahil kasama nga kami sa seryeng ito. Pero sa totoo lang, maikli lang talaga ang “buhay” ng naturang serye, dahil ‘yun ang gusto ni Juday.

Galing na kasi si Juday sa mga seryeng inaabot ng dalawang taon. Eh, ayaw ni Juday na maumay ang mga tao at gusto nito’y kahit patapos na ay pinag-uusapan pa rin ang kanyang show.

Judy Ann Santos, kagustuhan din na matapos agad ang teleseryeKami naman ay pumasok lang sa ikapitong linggo at kung sakaling totoo ang Aug. 23, eh thank you pa rin sa almost a month na “work”. Hindi na masama, ‘di ba? Lalo pa’t kahit nasa third slot ng drama ang Huwag Ka Lang Mawawala ay umaabot pa rin ang rating nito sa 28+. Again, hindi na masama, ‘di ba?

ADVERTISING

At very thankful kami, dahil sa ikli ng labas namin ay namarkahan agad kami ng mga televiewers. Hindi na masama, ‘di ba? Hahahaha!

As usual, maghihintay na naman kami ng isang bagong pintuan na magbubukas sa amin para mapasali uli sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING