Judy Ann Santos, inabsuwelto si Kris Aquino sa pagkatsugi ng show

Judy Ann Santos, inabsuwelto si Kris Aquino sa pagkatsugi ng show

Judy-Ann-SantosINI-LAUNCH NA nu’ng kamakalawa ng hapon ang bagong infomercial ng MTRCB sa tanggapan nito na dinaluhan ng bagong endorser nila, ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Malaking karangalan daw itong ibinigay na responsibilidad sa kanila ni MTRCB Chairman Toto Villareal dahil sa kanila ipinagkatiwala na ma-promote ang matalinong panonood.

Ipinakita nga ang infomercial na magsisimula nang ipalabas sa TV at sa mga sinehan.

Doon na rin sinagot ni Juday ang isyu nila ni Kris Aquino na matagal nang pinag-usapan.

Sabi naman ni Judy Ann, okay naman na sila ni Kris, pero hindi naman daw ganu’n sila ka-bestfriends.

Nilinaw na rin ni Juday ang isyung kaya natapos agad ang Bet On Your Baby nu’ng kainitan ng isyu nila ni Kris.

Ang sabi niya, natama lang daw nu’n sa isyu nila ni Kris, pero matagal na raw nilang napagkasunduan ‘yun.

Sabi ni Judy Ann, “Unfair naman kay Kris na isinabit siya du’n sa isyu. Hindi po totoo na konektado si Kris Aquino sa pagkawala ng Bet On Your Baby. It’s the management’s decision. It was decided two weeks before the incident happened.

“It’s unfair na nakakonekta pa rin siya kay Kris sa part na ‘yun.”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis