Judy Ann Santos, hindi magpapagamit kay Sam Milby!

ADVERTISING

Judy Ann Santos, hindi magpapagamit kay Sam Milby!

Judy Ann Santos, hindi magpapagamit kay Sam Milby!“AYAW KO! Over my dead body!” Iyan ang pahayag mula sa bibig ng veteran columnist at talent manager na si Alfie Lorenzo kaugnay sa balitang itatambal si Sam Milby sa alaga niyang si Judy Ann Santos sa bagong teleserye na gagawin nito sa ABS-CBN. Ayaw ng manager na sa Star Magic manggagaling ang magiging leading man ni Juday.             Matatandaang umalis papuntang Amerika si Sam para sa kanyang “American dream” pero bumalik ulit ito habang naghihintay pa ng magiging resulta for whatever sa pag-a-apply niya sa iba’t ibang agency sa Hollywood bilang singer or aktor du’n. Dahil sandaling nakalimutan si Sam dito sa Pilipinas, naisip siguro ng mga taga-Star Magic na ipareha ito sa pinakasikat na aktres na si Juday upang muling ibalik ang dating init nito sa popularidad. Pero mukhang hindi na ito matutuloy dahil ayaw nga ng manager ng Young Superstar.

Sa part naman ni Juday, kaila-ngan niyang sumunod sa manager niya at may say rin naman siya sa mga gagawin nitong project especially isa itong serye sa telebisyon. Alam naman niyang tama ang manager niya at mas alam ang makabubuti sa kanyang career na iningatan at inalagaan din sa mahabang panahon magpahanggang ngayon na nananatili siyang numero-uno ng kanyang panahon.

Bilang may asawa na at may dalawang anak, may mga kondisyon ding ibinigay si Juday sa Kapamilya Network kaugnay sa gagawin nitong teleserye sa malapit na hinaharap. “Siyempre, hindi na puwede ang mahaba at magdamagang puyatan gaya noong dalaga pa ako. May cut-off na po, 12 midnight at hindi na-cut-off ‘yun, oras na talaga ‘yun ng pahinga.

“Ayoko na rin nu’ng pang-airing lagi na taping. Kasi parang buong buhay ko nang na-experience ‘yan, memorized ko na ‘yan kahit tulog ako.’Yung  may taping… kasi ‘pag may airing na mamayang gabi, hindi na mapupulido rin ‘yung trabaho mo, kasi iniisip mo na kailangang take one lang ito. Kakaisip mo nang kakaisip, hindi mo na naitatawid nang maayos ‘yung trabaho. So, ‘yun lang ang iniri-request ko na sana, hangga’t maaari, canned siya para hindi ngarag, ‘di ba?

ADVERTISING

“Kaya pag-uusapan kung hanggang anong months puwedeng mag-can nu’ng mga episodes. Ayusin na muna natin ‘yung istorya. ‘Pag okey na sa management, saka na natin i-shoot para hindi rin tayo re-shoot nang re-shoot gaya nu’ng nangyari sa ‘Habang May Buhay’. I-can natin pero huwag namang dalawang taon,” diretsong  pahayag ni Juday sa panayam sa kanya.

Dahil nga sa hindi pagpayag ni Tito Alfie kay Sam, sino kaya ang magiging leading man ni Juday sa bagong teleserye na uumpisahan niya? Hmm…

 

SOBRANG PRESSURE kay Arjo Atayde na anak siya ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez. Dahil nga nasa showbiz na siya at nagsisimula nang umarte at makilala, kailangang maingat siya’t ibigay ang husay dahil maraming mga mata ang nakatutok sa kanya.

“May pressure po talaga lalo na at alam naman ng lahat kung gaano kagaling ang mommy ko bilang artista,” umpisang sabi ni Arjo sa aming tsikahan sa kanya. “Siyempre, hindi naman ganu’n kadali na sabihing dapat I’m like her dahil anak niya ako. Pero ayun nga happy naman po ako sa resulta du’n sa ginawa ko. Like ‘yung mga acting moments ko sa ‘E-Boy’, pasado naman po siya.”

In fairness kay Arjo, napuri nga ang 19 year-old na binata sa mahusay na akting na ipinamalas niya sa E-Boy lalo na ‘yung confrontation scene nila ni Pen Medina, kung saan pinaghandaan niya nang husto. “Siyempre po, Pen Medina ‘yun, magaling pong character actor kaya dapat makasabay ako sa kanya at hindi ako maiwan.

Between Piolo Pascual and John Lloyd Cruz, mas gusto palang sundan ng yapak ni Arjo ang huli. “Idol ko po si John Lloyd bilang aktor. Magaling po siya as an actor. Siya po ang gusto kong tularan o maging pagdating ng araw. I want to work with him din po sana in the future. Si Piolo kasi is more of a hunk actor… so okey na sa akin ‘yung mala-John Lloyd lang ang dating. Hindi naman siya hunk pero he is a good actor, he’s the best!” sabi pa rin nito.

Judy Ann Santos, hindi magpapagamit kay Sam Milby!

Ang isa pa pala sa dream ni Arjo ay ang makasama niya ang mommy niya sa isang drama show like sa Maalaala Mo Kaya?.

“Gusto ko po sana na makasama si Mommy sa MMK. Siyempre po, drama ‘yun pero dapat ready na ako du’n kasi baka “lamunin” ako ni Mommy sa aktingan. Hahaha!” sey pa ni Arjo na mamula-mula ang pisngi habang tumatawa.

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING