Judy Ann Santos, ‘di pa kayang iwan ang anak para harapin ang career

ADVERTISING

Judy Ann Santos, 'di pa kayang iwan ang anak para harapin ang career

Judy Ann Santos, 'di pa kayang iwan ang anak para harapin ang careerIsa talaga si Judy Ann Santos sa mga pinakasikat sa ABS-CBN, dahil sa mga una niyang teleserye nu’ng bagets pa lang siya. Hanggang sa magdalaga siya, hindi siya nawawalan ng serye, hanggang sa siya ay magpakasal nga kay Ryan Agoncillo. Hindi naman siya magpapakaipokrita na dati rin, kapag natatagalan na wala siyang project sa Kapamilya Network, hindi siya nagtatampo at nag-iisip kung mahal pa ba at kailangan pa ba siya ng Dos?

ADVERTISING

Pero nanatili siyang Kapamilya kahit nakapag-asawa na siya at nagkaroon ng anak. Hindi siya lumipat ng ibang network. Kaya kahit natatagalan siyang hindi gumagawa ng teleserye o pelikula, hindi ikinabit sa kanyang pangalan ang salitang laos. Kasi nga, marami siyang proyekto na naudlot gawin, dahil kapag gusto na ulit niyang rumatsadang magpakaaktibo sa kanyang showbiz career, bigla namang nabubuntis siya.

Katulad na lamang nitong huli. Mayroon siyang bagong teleserye sa ABS na ipinahinto na lang muna, dahil nabuntis nga siyang bigla. Pagkatapos niyang makapanganak, nag-iisip lang muna siya siyempre kung ano ba ang susunod na hakbang na kanyang gagawin. Kasi, ang hirap na naman para sa kanya na iwanan ang bago nilang baby ni Ryan. Para kasi kay Judy Ann Santos, hindi mapapantayan ang bawat oras na makasama niya ang kanyang baby hanggang sa lumaki na iyon at puwede na niyang iwan para muli na niyang maharap ang kanyang career.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING