Judy Ann Santos, dedma na lang sa isyu nila ni Kris Aquino

Judy Ann Santos, dedma na lang sa isyu nila ni Kris Aquino

Judy-Ann-SantosNAGING ISYU na ‘yang pag-unfollow daw ni Kris Aquino sa mga kaibigan niya sa Instagram na nagpu-post ng patama kay PNoy.

Napag-usapan kasi ‘yung pag-unfollow niya kay Judy Ann Santos, pagkatapos mag-post si Juday sa IG account niya ng tungkol kay US Pres. Obama na kinansel ang lahat ng appointment niya para lang salubungin ang mga fallen troops nila.

Naikumpara kay PNoy na absent siya sa Villamor Airbase, at nandu’n siya sa opening ng Mitsubishi.

Nakakaloka naman kasi talaga ‘yan!

Anyway, ‘yun na nga, na-unfollow siya ni Kris na ayaw namang mag-react diyan ni Juday. Sa halip, nagpamisa sila ni Ryan Agoncillo sa tahanan nila nung Linggo para ialay sa mga ating 44 Fallen Heroes.

Ayaw na raw niyang mag-react pa diyan. Hayaan na lang daw.

Eh, ang kuwento sa akin ng mga bading, hindi lang naman daw si Judy Ann ang in-unfollow niya kundi marami.

Dati raw mahigit 300 ang pina-follow niya, tapos ngayon 285 na lang yata.

Naku, ‘day! Kung may Instagram lang ako, baka ako ang unang in-unfollow ni Kris. Pero palagay ko nga never niya akong i-follow.

Sabi tuloy ng mga bakla, bakit siya nagpaka-sensitive eh, itong kuya nga raw niya ang insensitive?

Ang isa pa ngang in-unfollow daw niya ay ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Pero nakita niya sigurong wala namang patama sa presidente ang mga pinu-post ng mag-asawa, nag-follow siya uli. Kaloka siya, ha!

Tingnan na lang natin kung saan hahantong ‘yan, pero sana nga magsimula na ang imbestigasyon nito para mabigyan naman ng hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang sa ating mga kapulisan. Nakakaawa naman kasi talaga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis