Judy Ann Santos, ayaw makasama si Vilma Santos!

ADVERTISING

Judy Ann Santos, ayaw makasama si Vilma Santos!

Judy Ann Santos, ayaw makasama si Vilma Santos!

NOW IT can be told! Naka-usap namin ang veteran writer-talent manager at former TV host na si Tito Alfie Lorenzo at sinabi nitong ilang pelikula na pala ni Judy Ann Santos ang sana’y nakatakda nilang pagsamahan ni Vilma Santos sa Star Cinema ang hindi natuloy.

Una ay ang Anak na tinanggihan ni Tito Alfie dahil ayaw niya nu’ng role na sumasagot sa ina at matanda. No, no raw kay Tito Alfie ‘yun since wholesome ang image ni Juday at baka gayahin ng mga fans nito. Eh, napakarami pa naman ng mga fans ng young Superstar. Tinanggihan din niya ang team-up sana ni Juday with Aga Muhlach, kung saan kailangang mag-braless ito. Naloka si Tito Alfie na kailangan ‘yun sa isang eksena at mababasa pa, eh ‘di babakat ang dibdib sana ni Juday at makikita du’n, ‘di ba?

Sa dalawang pelikula, si Claudine Barretto ang pumalit kay Juday, asan na ngayon si Claudine?

ADVERTISING

May bagong offer sana kay Juday again with Vilma pero diniretso na ni Tito Alfie ang SC, Noranian sila kaya hindi siya papayag na makasama ni Juday si Vilma!

Kalokah!

Dagdag pa ni Tito Alfie, si Nora Aunor ang gustong makasama ni Juday na unang nagkasama noon sa pelikulang Babae. Sa maraming pagkakataon ay nagkasama rin ang Superstar at si Juday sa mga shows sa Amerika para sa mga Filipino community du’n. Maging ang mga fans daw ni Juday ay si Ate Guy ang gustong makasama kaya paano niya tatanggihan ang mga ito?

Naku, dami pang kuwento ni Tito Alfie na ikinaloka namin. ‘Yung tungkol sa isang sikat na aktres na ang unang award palang napanalunan ay “bayad”? Naloka kami du’n, huh! Im sure hindi ito alam ng mga fans niya lalo na ‘yung matatapang sa kanila na wala nang ginawa kundi abangan at bantayan ang bawat kilos ni Ate Guy! I-blind item pa ba kung sino ‘yun? Given na, ‘noh!

Hahahaha!

HUMARAP ANG nag-iisang Superstar ng Pilipinas na si Ms. Nora Aunor sa press kamakailan. Excited si Nora sa dalawang shows na ginawa sa TV5 dahil parehong reunion of sorts ito ng mga kaibigan niya’t nakasama na sa pelikula.

Sa Untold Stories, balik-tambalan nila ni Yul Servo na nakapareha niya sa critically-acclaimed movie na Naglalayag kasama ang beteranang aktres na si Ms. Angie Ferro at sa Third Eye naman ay ang pagsasama nila ng orig na Grand Slam Actress , kaibigan at certified Noranian din na si Ms. Lorna Tolentino.

Masayang nagkuwento si Ate Guy sa una nilang pagkikita ni LT sa set, tuwang-tuwa raw siya at nakasama niya si LT na bagama’t nagkasama na sila noon sa isang pelikula, ang Mga Uod at Rosas, hindi sila nagkita o nagsama man lang kahit sa isang eksena. Si LT naman daw ay sobrang happy rin at kapwa nasabi ng dalawa na sana’y magsama sila sa isang pelikula. Mabilis naman ang naging tugon ni Mr. Perci Intalan ng TV5 na nasa plano raw nila ‘yun.

Siyempre pa, pinag-usapan din ang karangalang natamo at nagbigay ng karangalan sa ating bansa ang pelikulang Thy Womb ng Superstar at ng 2009 Cannes Best Director Brillante Mendoza na lumahok sa katatapos lamang na 69th Venice International Film Festival, kung saan nanalo ito ng Bisato d’ Oro award na tinaguriang Premio Della Critica Indipendente, mula sa mga film critics na kauna-unahang natamo ng isang aktres mula sa Pilipinas.

Judy Ann Santos, ayaw makasama si Vilma Santos!

“Masayang-masaya kami du’n, sina direk, sina Lovi Poe at Mercedes Cabral. Nung ipinalabas na ang “Thy Womb”, andu’n kaming lahat at pagkatapos nun, ‘yun nga nagpalakpakan sila at nagkaroon ng standing ovation. Mga five minutes ‘yun. Hindi sila tumitigil ng pagpalakpak hangga’t hindi kami nakakalabas. Nagustuhan nila ang pelikula at nakakataba ng puso ‘yun,” kuwento pa ni Ate Guy.

Ang mapasama lang  ang Thy Womb sa prestihiyoso and the oldest international festival ay isa ng malaking kara-ngalan para sa kanya bilang aktres at ng ating bansa especially isa itong indie film. Pagdating sa award, never siyang umasa o naghangad para dito. Kung mapapansin at magugustuhan ang kanyang pagganap, bonus na lang daw iyon sa kanya.

Naisingit rin ang plano raw na pagsasama nila ni Vilma Santos at ng na-ngungunang aktor ngayon na si Coco Martin sa isang obra na gagawin ni Brillante Mendoza. Posible nga bang matuloy ito?

“Wala namang problema sa akin. Ang balita ko, kinausap na ni Direk Brillante si kumare. ‘Yung schedule yata niya ang inaayos,” matipid na sagot ni Nora.

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING