Judy Ann Santos, ayaw magmukhang mascot ni Piolo Pascual

ADVERTISING

Judy Ann Santos, ayaw magmukhang mascot ni Piolo Pascual

Judy Ann Santos
Judy Ann Santos

Wala nang magiging problema sakaling matuloy ang muling pagsasama sa pelikula nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Ito ang ibinalita ni Judy Ann Santos nang makaharap namin siya sa preview ng Cinemalaya entry na “Kusina”.

ADVERTISING

Nilinaw rin ng aktres na  mali ang balitang tutol ang asawang si Ryan Agoncillo sa pagsasama nila ni Piolo.
“Mali ‘yung iniisip ng mga tao na ayokong gumawa ng pelikula with Piolo because of Ryan. No, it’s not like that.

“It’s not him, it’s me,” sabay  tawa niya nang malakas.

Eh, kelan ba umokey si Ryan sa Juday-Piolo movie?
“Matagal na… matagal na! Marami na ngang mga proposals, eh. At saka wala namang kailangang ayusin sa aming dalawa (Piolo) kasi wala namang nangyari,” sabi pa ng “Kusina” star.

ADVERTISING

Ang pinoproblema na lang ngayon ni Juday ay ang kanyang timbang. Ayaw raw niya kasing magmukhang mascot ni Piolo kapag gumawa ulit sila ng movie.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING