Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, tikom ang bibig sa ‘pagbubuntis’

Ryan-Agoncillo- Judy-Ann-SantosBUNTIS NGA kaya si Judy Ann Santos? Iyon ang pinag-uusapan nu’ng kamakalawa lang. Pero wala pa ring kumpirmasyon mula sa mag-asawa at ayaw muna nilang mag-comment.

Kasi dati, napabalita rin noon, at ang dinig ko, hindi lang natuloy ang pagbubuntis ng aktres.

Kaya ngayon, kahit anong kulit ng Startalk staff sa mga taong malapit sa mag-asawa, ayaw nilang magkomento dahil mabuting hintayin na lang daw ang statement mismo mula kina Judy Ann.

Pero as of presstime, wala pa ring pahayag ang mag-asawa. Hindi naman nila dini-deny, o wala naman silang inaamin.

Matagal na rin naman talagang hinihintay nina Ryan at Juday na masundan si Lucho. Kaya sana nga matuloy na ito, kung totoo ngang buntis na siya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas kung may update na sila kay Judy Ann.

Kung tingnan mo naman ang Instagram account nilang mag-asawa, wala naman silang tsika tungkol sa isyung ‘yan.

Bonding-bonding lang sila sa kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho.

Kaya tingnan na lang natin kung totoo na nga at matutuloy na rin ang pagbubuntis ni Judy Ann.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleMaja Salvador, sinorpesa ni Janice de Belen sa premiere ng pelikula
Next articleMarian Rivera, ayaw masabit sa issue ni Angelica Panganiban kay Heart Evangelista

No posts to display