Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ‘di na magkasama sa pagtulog?!

ADVERTISING

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ‘di na magkasama sa pagtulog?!

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ‘di na magkasama sa pagtulog?!SEVEN YEAR itch ang tawag nila. Ito ang tawag kapag ang lalaki (kadalasan) ay na-ngangaliwa sa unang pitong taon nila bilang mag-asawa.

Kaya nga nagulat kami sa kumakalat na blind item na ang dalawang sikat na celebrities ay hindi na diumano magkatabing matulog.

Sa harap ng publiko, sweet sila sa isa’t isa. Pero pagdating sa bahay nila, they are not on speaking terms. Maging sa pagtulog sa gabi, hindi na sila magkatabi.

Daming mga clues kaya bigay na bigay ang nagsimula sa tsismis tungkol sa mag-asawa. Kaya nang matukoy namin, tumango lang ang source namin na inaayudahan ang pangalan ng mag-asawa.

ADVERTISING

Ang tsismis, hindi na diumano magkasama sa pagtulog sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.,

Ang dagdag sa bali-balita, si Ryan diumano ay nahuhumaling sa isa sa mga dancers ng pangtanghaling show ng GMA-7, ang Eat Bulaga.

Maganda ang babae. Bata pa ang EB Babes na sinasabing kinahuhumalingan diumano ni Ryan.

Matagal na raw ang tsimis na ito, pero wala man lang nangtangka na isa man sa mga co-host ni Ryan ay pagsabihan ang mister ni Juday.

The fact na kaibigan ni Juday sina Vic Sotto at Joey de Leon, iniiwasan ng dalawa na pagsabihan si Ryan na tigilan na ang pangangaliwa sa misis niya, dahil its a personal problem ng mag-asawa.

Totoo kaya ang tsika? Hope not dahil ke aga-aga, malalagay sa alanganin ang supposed to be ay happy family nina Juday at Ryan.

Sana maging malinaw ito. Ano kaya masasabi ni Tito Alfie Lorenzo sa balitang ito?

 

MAGANDA ANG relasyon nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Hindi man naging mag-boyfriend, maganda ang samahan nila on screen pati sa relasyon nila bilang magka-loveteam.

Si Bea, in love kay Zanjoe Marudo while JLC naman ay kung kani-kanino na napuntang kandungan pero both are okay at may chemistry on screen. Marunong makisakay sa publicity slant ng kanilang mga pelikula kahit i-link man sila sa isa’t isa.

Secured si Bea sa sarili. Si Lloydie naman, the usual “guwaping” always cool. Kahit ano, oks lang.

Sampung taon na ang loveteam ng dalawa. Pa-rang kailan lang. Ngayon na nag-level up na sila pareho with a more matured role in The Mistress ng Star Cinema (lalo na sa role ni Bea who plays a mistress a.k.a. kabit), it’s nice to see both na sumasabay na sila pareho sa panahon.

 

Sa trailer na napapanood namin sa mga sinehan, may anghang ang linya ni Hilda Ko-ronel kay Bea na nagre-react ang mga moviegoers meaning, gusto ito ng publiko.

Nagtataka lang kami kung anong chemistry meron sina Bea at John Lloyd na kahit kung kani-kanino na sila nai-link (on screen or off-screen), kapag nagsama muli sila sa isang project ay click sila sa mga tagahanga nila at swak ang mga proyekto nila.
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING