Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambal

ADVERTISING

Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambal

Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambalWALA NAMAN talagang imposible sa mga panahong ito na mu-ling magkatambal sa isang pelikula o teleserye sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, lalo pa’t nariyan ang ABS-CBN at ang Star Cinema na puwedeng pumalantsa ng mga natitirang gusot para magawan ng paraan ang lahat. Nanggaling sa kampo ni Piolo na depende iyon kung papayag si Juday. Sa salita, puwedeng sabihin ni Juday na okey lang naman kung mayroon talagang project para sa kanilang dalawa.

Pero sa gawa at tunay na desisyon, ewan na lang magkakatuluyan iyan. Kasi nga, sa mga panahong ito ay sobrang busy si Juday, dahil ang dami-dami pa niyang mga proyekto na unang natanguan, na hindi pa rin nagkakatuluyan, kaya kung ano muna ‘yung nakaplanong gawin ay siyang inuumpisahan. Nariyan din ang pagbibigay niya ng panahon sa pamilya nila ni Ryan Agoncillo, dahil nagsisilakihan na ang kanilang mga anak na sina Yohan at Baby Lucho.

Pero alam n’yo bang dati ay may isyu, na dahil diumano’y sikat na sikat at parang hari ng Kapamilya Network si Piolo, parang mayroong angas noon, natanggihan na niyang makapareha si Juday? Ipinagwalang-bahala iyon ng kampo ni Juday. Pero sa nga-yon, kaguwapuhan lang talaga ni Piolo ang nagpapasikat sa kanya sa showbiz. Walang duda tungkol d’yan. Pero pansinin n’yo, na magmula nang mabuwag ang loveteam nila ni Juday, wala nang pelikula si Piolo na kumikita sa takilya, samantalang nang mapahiwalay sa kanya si Juday at maikasal kay Ryan ay patok pa rin ang mga proyekto ng young superstar.

 

ADVERTISING

BLIND ITEM: Mayroon talagang mga artista na dahil sikat sila sa movie industry ay pinagtitiisan din sila ng mga kumpanya ng pelikula maging ng mga taong kanilang nakakasama sa trabaho. Ang katuwiran d’yan, kakaiba kasi ang isang magandang pelikula kung kasama roon ang mga kinikilala at respetadong artista sa lokal na aliwan. Mayroong mga kasiraan na napagtatakpan, pero pagdating ng panahon, nabubulgar din iyon.

Katulad na lamang ng sikat na sikat pa ring aktres hanggang ngayon, na tawagin na-ting si Katrina Hilario. Sumikat si Katrina sa showbiz sa panahong hindi pa uso ang acting workshop, kaya talagang naiiba ang kahusayan niya sa pag-arte. Puro kadramahan ang kanyang mga pelikula, na talagang pinag-uusapan at kumikita sa takilya. Pero nasira ang diskarte niya sa career, dahil sa masamang epekto ng kanyang lovelife. Lagi siyang iniiwan ng mga lalaking kanyang nakakarelasyon.

Judy Ann Santos at Piolo Pascual, posible pa ring magtambal

Nagloka-lokahan si Katrina sa kanyang mga trabaho nu’ng magkasunud-sunod na magkaproblema siya sa kanyang mga lalaki. Madalas, nasa location na siya ng shooting, pero ayaw lumabas ng sasakyan para mag-shooting ng kanyang mga eksena. Minsang may playdate na ang kanyang pelikula, biglang hindi niya nalalaman ay pinatay na pala ang kanyang karakter. Ikinuwento iyon ng kanyang producer sa iba pang mga producers ng pelikula, kaya hindi na nila kinukuha si Katrina, hanggang sa mawalan na siya ng career, at bu-mabalik na lang siya sa showbiz kapag mayroong mga kumpanya na kayang pagtiisan ang kanyang mga sumpong at kabaliwan sa buhay, dahil nga mahusay siyang aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING