Judy Ann Santos at Gladys Reyes, nag-bonding kasama ang kanilang mga kids

Judy Ann Santos at Gladys Reyes, nag-bonding kasama ang kanilang mga kids

Judy-Ann-Santos-Gladys-Reyes-with-their-KidsNAALIW AKO sa kuwento ng mga bading sa Startalk na nakatutuwa raw ang bonding ng magkaibigang Judy Ann Santos at Gladys Reyes na  lumabas nu’ng nakaraang linggo kasama ang mga anak nila.

Sa Instagram lang nakita at patalbugan daw sila ng post sa kanilang IG account.

May picture silang magkaibigan kasama ang mga anak nila, at nakikita mong tuwang-tuwa si Juday na ipinost ito sa kanyang Instagram account.

Sabi niya, “Our minions! Padami na kami nang padami…Pagulo na nang pagulo…Pero pasaya nang pasaya…priceless to be able to spend our time together with our little ones…@iamgladysreyes.”

Mula naman sa IG account ni Gladys; “Congrats sis @officialjuday, my happy preggy consistent friend! Enjoyed our ‘huntahan’. Eventhough we don’t see each other everyday but whenever we have the chance, nothing’s changed. I guess that’s what you call ‘genuine friendship’.”

Bongga ng frendship ng dalawang ito, eh! Kaya nakatutuwa naman!

Ang sabi kasi ni Ryan Agoncillo, ayaw raw niyang ma-stress ang asawa niyang mahigit nine weeks buntis na.

Okay lang daw na magtrabaho si Judy Ann basta huwag lang daw ma-stress. Hindi pa raw niya alam kung gagawin pa rin ni Judy Ann ang soap. Pero ewan ko lang kasi siyempre lumalaki na ang tiyan niya.

Kaya naka-focus lang daw muna ngayon si Judy Ann sa bagong cookbook niya na Judy Ann’s Kitchen na malapit na niyang i-launch.

Alam ko, bago mag-Father’s Day ilo-launch na ‘yan, kaya riyan na muna naka-concentrate si Juday.

Balak pa nga raw niyang samahan si Ryan sa cooking class. Mag-a-advance culinary class daw si Ryan at balak daw ni Juday na sabayan siya. Kaya lalong bonding sila at excited sa kanilang magiging baby. Pati nga raw ang sina Yohan at Lucho ay excited na rin. Nagtatalo na raw sila kung baby boy o girl ang magiging kapatid nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis