Juana Change, may sey rin sa MMFF 2017 controversy

ADVERTISING

Juana Change, may sey rin sa MMFF 2017 controversy

Juana Change, may sey rin sa MMFF 2017 controversy
Mae Paner a.k.a. Juana Change

EVER SINCE, naging vocal naman talaga si Mae Paner a.k.a. Juana Change sa kanyang mga pinaniniwalaan at pinaninindigan.

Mula sa isyusing political laban sa dating PGMA hanggang sa “Pork Barrel” at kung anu-ano pa (isama na si PDuterte); si Juana Change ay aariba. May sariling kuda sa mga napapanahon na isyus.

Sa kanyang Facebook account, narito ang punto-de-vista ni JC sa isyu ng pagre-resign ng 3 members ng MMFF 2017 Execom recently.

“Decent and very concerned creatives are fighting to continue the gains of MMFF 2016 but Tito Sotto, Grace Poe, Tim Orbos , Marichu Maceda, Dominic Du , Rochelle Ona cinema owners etc… have not let them.

ADVERTISING

“They had to resign. Now, balik na naman sa dating gawi. Pilit nang inaalis ang tunggalian ng commercial vs indie films. Pwedeng artistically excellent and commercial film at pwedeng maging box office success ang indie film. Pero sa taong ito sinigurado ng mga naniniwala sa profit na unang makakapasok sa MMFF ang commercial films.

“Nagwagi sila sa line-up at binigyan talaga ng express lane ang apat na pelikula nila Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin at Jennilyn Mercado. Ang unang tinanggap na base na naman sa script lang at hindi finished film. Sila naman ang malalakng player at may pera, ano ba namang mag shoot, tapusin ang pelikula at i-submit sabay ng iba at kung pasok sa pamantayan ay makapasa. Nag senate hearing pa para sa mga anomalyang dapat ay itutuwd para di na ito maulit muli. “

“Sabi ni Grace Poe magbubuo ng Technical Working Grp at tatawagan ang mga tutulong. Walang nangyari! Ngayon, nabulaga ang lahat sa resulta ng mga napili. Bisitahin niyo ang MMFF page. Ang sentimyento sa mga comments ay malinaw. Hindi gusto ng mga tao ang kagarapalan ng mga nagmanipula ng resulta. Huli na ba ang lahat? Sana hindi pa! Mahalin natin ang pelikulang Pilipino! Laban!”

Sa kanyang FB, sinulat din ni Juana Change: “Knock knock knock Tito Sotto, Grace Poe, Manay Ichu, Tim Orbos! Dumaplis man lang ba sa isip niyo ang naisip ni Ricky Lee? Nagpa senate hearing ka pa Sen. Grace Poe at nangako ng TWG meeting di ba? Di naman kami nagkulang mag follow-up sa inyo. May nangyari ba? Tapos eto na?” opinion niya.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING