Joyce Ching, mas kinikilig sa off-cam moments nila ni Kristoffer Martin

Joyce Ching, mas kinikilig sa off-cam moments nila ni Kristoffer Martin

Joyce-ChingEX-BOYFRIEND ni Joyce Ching si Kristoffer Martin. Pero hindi raw ito naging dahilan para magdalawang-isip siya na makipagtambal ulit siya sa young actor sa bagong afternoon soap ng GMA na Healing Hearts na magsisimuilang umere sa May 11.

At sa pagsisimula ng kanilang taping, okey naman daw ang kanilang working relationship. Hindi rin daw sila nailang sa isa’t isa kahit marami silang kissing scenes na dapat kunan.

“Trabaho lang,” nangingiting sabi ni Joyce. “Siyempre hindi masyado ‘yong feeling na kikiligin. Kasi alam mong ginagawa mo ‘yon dahil sa trabaho. Mas nakakakilig ‘yong off-cam na… wala lang, kulitan lang. Para sa akin, ha? Mas nakakakilig ‘yon.”

Mahigit three years din silang naging mag-on ni Kristoffer. Sa nangyaring break-up nila, sino sa kanilang dalawa ang nasaktan nang todo at mas may dapat na i-heal na heart?

“Mahirap sagutin ‘yan, e. Pero kung sa akin lang, nasaktan ako noon siyempre.”

Matagal ba before nag-heal ang heartache na idinulot ng break-up nila noon?

“A… ang nakakatawa po kasi, kami ang naghiwalay pero parang kami rin ‘yong naging sandalan ng isa’t isa kapag mga sad moments. Kapag nalulungkot-lungkot, kami pa rin ang nag-uusap. Nag-break man kami but we remained friends.  Hindi talaga nawala ‘yong friendship at naalagaan namin iyon. At iyon din nga ang maganda sa amin po. Even after the break-up, naalagaan namin kung anuman ‘yong friendship na meron kami, since malalim na rin ‘yong friendship namin bago pa man maging kami. So, iyon. Kaya wala naman na kailangang i-heal. ”

So, malaki ang possibility na magkabalikan sila?

“Open naman po kami pareho sa anumang possibilities. And… I think mas maganda naman po ‘yong relationship na pinaghahandaan kesa ‘yong biglaan ka na lang nagdi-decide na dahil lang open ka, sige go na!

“So, mas maganda po ‘yong binabagalan ang proseso. Para mas sigurado.”

Totoo ba kapag nagti-taping sila, gano’n pa rin ka-sweet si Kristoffer na kung minsan ay payakap-yakap sa kanya?

“Gano’n naman po talaga kasi ang nature ni Kristoffer. Malambing siya at saka maalaga.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan