Joyce Ching, excited sa pagbibida sa serye

Joyce Ching, excited sa pagbibida sa serye

Joy-ChingHINDI RAW maitago ni Joyce Ching ang labis-labis na kasiyahan dahil sa wakas ay nabigyan na siya ng proyektong siya mismo ang bida via Healing Hearts na magsisimula nang mapanood sa GMA Afternoon Prime after niyang mag-kontrabida sa maraming soap ng GMA 7.
Tsika nga ni Joyce, “Masaya po, sobrang saya. ‘Yun talaga ‘yung nararamdaman ko. Sobrang excited ako, kasi sa wakas ay maipakikita ko rin ‘yung other side ko.
“Dati kasi, ‘yung napakikita ko lang na skills na acting puro pang kontrabida, ‘yung mga galit at irap-irap kasi, ‘yun ‘yung role na binibigay sa akin.
“Pero ngayon, makikita naman nila ‘yung mabait na side ng acting ko. This time, ako naman ang aapihin at magmumukhang kawawa. Baka nga manibago ‘yung mga tao, kasi kung dati ako ‘yung nang-aapi, pero this time, ako naman ang mabait at inaapi.

“Sana tanggapin din nila ‘yung bago kong role na gagampanan dito sa Healing Hearts. Sana hindi nila i-base ‘yung acting ko noong nagko-kontrabida pa ako, kasi iba naman ngayon na nagbibida na ako.
“Baka kasi ‘yung iba, nasanay na, na kontrabida ako at mas gustong makita ako na ganu’n ang role na gagampanan ko,” pagtatapos ni Joyce.

John’s Point
by John Fontanilla