Joy Viado, ‘di pababayaan ng mga kapwa artista

Joy Viado, ‘di pababayaan ng mga kapwa artista

Joy-ViadoDAHIL SA inilabas namin na kuwento sa Startalk tungkol sa kalagayan ni Joy Viado, maraming mga artistang willing tumulong sa kanya dahil sa nakatrabaho nila ang komedyante.

Abangan n’yo sa Startalk bukas ang latest update namin kay Joy. Malalaman kung matutuloy nga bang maputulan siya ng paa. Sana naman hindi.

Pero rito mo talaga nakikita na iisang pamilya talaga ang sa showbiz, kasi kapag mababalitaang may ganu’ng kuwento sa kapwa artista, nagtutulungan talaga at hindi nagpapabaya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis