JOWA REVEAL: Rico Blanco at Maris Racal, magkarelasyon na ba?

MAGDYOWA na ba sina Rico Blanco at Maris Racal?

Ito ang tanong ng mga netizen pagkatapos magpost ng isang birthday greeting sa Instagram ang 23-year old actress. Kalakip nito ang video nila ng ex-Rivermaya frontman na inaawit ang kantang Brighter than Sunshine ng Aqualung na ipinagdiriwang ang kanyang 48th birthday.

JOWA REVEAL: Rico Blanco at Maris Racal, magkarelasyon na ba?
Rico Blanco and Maris Racal

Kung papanoorin mo ang video, kitang-kita ang sexual tension sa pagitan nilang dalawa. Kitang-kita ang pagmamahal sa mga mata ni Maris na sinuklian naman ng kanyang ‘idol turned… lover?’“Hahaha love you!”

“Hi rico. happy birthday,” simpleng caption ni Maris. Ang napansin ng netizens ay wala na itong honorifics. Hindi na Kuya o Sir Rico. Hmmm…

Sumagot naman sa comments section ang birthday celebrant ng “Hahaha love you!”.

S’yempre, nagulantang ang showbiz friends ni Maris tulad nina Antoinette Jadaone, Alex Gonzaga, Julie Anne San Jose, Awra, Miles Ocampo, Markus Paterson at marami pang iba.

Unang nagkasama ang dalawa noong 2019 nang mag-collaborate sa kantang ‘Abot Langit’. Naabot na ba ang langit sa piling ng isa’t isa? Weeee

Ito na nga ba ang ‘dyowa reveal’ na pa-teaser ni Maris Racal earlier this year?

Well, kung sina Rico at Maris man, congratulations! Kahit naman may malaking age gap sa pagitan ng dalawa ay hindi maikakaila ang kanilang chemistry. Just keep playing beautiful music together!