Jovit Baldivino: Singhot got Talent?

ADVERTISING

Jovit Baldivino: Singhot got Talent?

ORAS NA MAABOT ang minimithing tagumpay at kasikatan, eh, mayroong kaakibat na paninira at negatibong opinyon mula sa iba’t ibang tao tulad na lang ng Pilipinas Got Talent Winner na si Jovit Baldivino na naiintrigang gumagamit at sumisinghot daw ng ipinagbabawal na gamot bago mag-show? Susme naman, kung anuano na lang ang ibinabato kay Jovit eh, maayos na nagtatrabaho ‘yung bata porke’t mukhang haggard parati at bagsak ang mukha eh nagdadrugs na? Basta kami love namin si Jovit noon pa kaya dedma na lang sa mga bitternez. Isa pang tsika kay Jovit ang litany daw nitong never niyang papatulan si Melai Cantiveros? Malamang, hindi niya talaga papatulan si Melai dahil ayaw ng male singer na magka-problema kay Papa Jason Francisco. Ano kaya ang masasabi ng mga involved sa intrigang ito? Magsalita kayo, utang na loob! He-he! Ching!

ADVERTISING

Photos by Fernan Sucalit

Ni MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING