Jovit Baldivino, naagaw na kay April Boy ang pagiging Juke Box King

Jovit Baldivino, naagaw na kay April Boy ang pagiging Juke Box King

Jovit-BaldivinoPINALITAN NA ni Jovit sa trono bilang Juke Box King si April Boy Regino. Si Juke Box King na ang tawag ngayon Star Music sa multi-awarded singer na may konek sa title ng kanyang 4th album na Juke Box (JB).

Ayon kay Jovit, masaya sa pakiramdam na tawagin siyang bagong Jukebox King kahit hindi na uso ang jukebox ngayon dahil nasa digital stage na tayo.

“Hindi naman po porke’t wala nang jukebox ngayon ay hindi na uso ang mga jukebox songs. Para po sa akin, kaya tinawag na jukebox ‘yung mga kanta ay dahil nakare-relate dito ang masa,” paliwanag ng singer.

Inamin din ng singer na binawasan niya ang pagra-rock sa bago niyang album para mas masarap itong pakinggan ng bibili ng kanyang CD. “Bawas lang nang konti, pero siyempre, nando’n pa rin ‘yung tatak-Jovit, kasi baka naman hanapin nila, ‘di ba?” sey pa niya.

Kabilang sa mga kantang nasa JB album ang Low Batt, Bumangon Tayo, Bangon Pilipino, Apoy, Forbidden, Itong Aking Mundo, Hanggang Mayroong Bukas, Love na Love Kita, Pusong Bato, Nanghihinayang, Honey My Love So Sweet, Sana’y Magbalik at Dito.

Sina Malou Santos, Roxy Liquigan, Reynaldo Gan, at Ben Aquino ang nagprodyus ng album.

La Boka
by Leo Bukas