Jovit Baldivino, may attitude problem!

ADVERTISING

Jovit Baldivino, may attitude problem!

Jovit Baldivino, may attitude problem!MARAMI ANG NAKAKAPUNA na kung minsan, hindi na nakakatawa at nakakatuwa ang isa sa co-host ng Showtime na si Teddy. May pagkakataon kasing parang pinagtitripan niya ang contestant ng nasabing talent search.

ADVERTISING

Ang akala siguro ni Teddy, kuwela pa rin pero hindi niya alam na ang dating ay naiinsulto o nababastos na niya ang contestant. For instance, ‘yong incident na may sinabuyan siya ng tubig sa mukha.

May ii-intro si Teddy na grupong sunod na magpi-perform. ‘Yong katabi niyang guy na may hawak na banga, tinanong niya kung kailangan daw ba ng tubig. Hindi pa nakakasagot, isinaboy niya ang kalahati ng tubig na laman ng hawak niyang plastic cup.

Siyempre nabigla ang contestant. Hindi pa nakuntento si Teddy, inulit pang isaboy sa mukha ng contestant ang natitirang tubig sa hawak na plastic cup.

ADVERTISING

Kung sa kanya kaya gawin iyon, matutuwa siya?

Dapat umayos itong si Teddy or else… tsuk!

KAPAPANALO LANG NI Jovit Baldivino sa Pilipinas Got Talent pero balitang may attitude problem na ito. Hindi kami naniwala no’ng una kasi kung papanoorin mo lang siya sa kanyang mga appearances sa TV, matutuwa ka na ang bait-bait ng dating niya. Na simpleng-simple at tatame-tameme na typical probinsiyano nga kung umasta pero kapag kumanta na, lahat mapapanganga na sa paghanga.

Not until nakaharap namin siya in person last time na nag-guest siya sa The Buzz. After his live interview, in-approach namin kung puwedeng ma-interview. Pumayag naman at ang sabi ng lalaking kasama niya, sa dressing room na lang daw.

Sa hallway, may dalawang TV crew na nakaabang na naunang nag-interview kay Jovit. At no’ng kami na ang mag-i-interview sa kanya, nag-iba ang mood ni Jovit nang makitang mini-voice recorder lang ang aming dala at wala kaming kasamang crew na may TV camera.

Biglang nagdayalog siya ng,“Pagod na po ako at saka inaantok na.”

Gano’n? Sa TV crew lang niya gustong magpa-interview, sa taga-print hindi na niya feel?

Alas-sais pa lang ng gabi, inaantok na siya. Gaano na ba siya ka-busy para kulangin ng oras na itutulog? Gano’n nga raw ang madalas na nagiging bukambibig ni Jovit – inaantok siya.

Antok din kaya ang dahilan kung bakit inindiyan niya ang interview sa kanya ni Ted Failon para sa programa nito?  Balitang nagalit nga raw ang broadcaster kay Jovit.

At dahil diyan, gusto namin siyang bigyan ng title – Jovit: Ang Antuking Batangueño! At kung ganyang lagi siyang inaantok, baka magpatulog-tulog na kaagad ang singing career na kanyang inuumpisahan pa lang.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING