Jovit Baldivino gustong makuha ang anak sa ex-girlfriend

VERY PUBLIC noon ang messy breakup sa pagitan ng Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino at ng kanyang fan turned girlfriend na si Shara Chavez.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin ang singer tungkol sa kanyang pangungulila sa anak na matagal na niyang hindi nakikita. Ayon sa kanya, may karapatan siyang makita ang kanyang anak bilang ama nito.

Jovit Baldivino gustong makuha ang anak sa ex-girlfriend
Jovit Baldivino

“Ang sa akin lang po eh ’yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na n’ya itinatago sa akin s’yempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko. ’Yung pamilya ko nga nalulungkot ’pag hindi nakita ang pamangkin at apo,”

Dahil wala na silang komunikasyon ng kanyang ex na siyang kasama ng kanilang anak, nilinaw rin nito na wala itong kinalaman sa kinasasangkutang issue ng babae.

Paliwanag pa niya, “Marami pong nagtatanong sa akin kung nasa’n daw si Mrs. Shara Jane Chavez Cruzat. Mawalang-galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya. Hindi ko nga po alam kung nasaan s’ya, kahit nga po anak ko hindi na n’ya pakita sa akin matagal na panahon na, at kung ano man pong lumabas na issue o pang-i-scam n’ya,”

“Hindi na po bago ’yun. Hehehe. Wala po ako pakialam d’yan. Problema n’ya ’yan, at siguro naman po alam n’yo na ang tunay na pagkatao n’ya.”

Ibinahagi rin ng singer na matagal-tagal na rin natin hindi nararamdaman na kahit paano’y masaya na siya ngayon dahil nalilinis na ang kanyang pangalan na nadungisan dahil sa messy breakup nila ng kanyang ex.

“Masaya na po ako ngayon, at masaya na din kasi nabigyang linaw na lahat. ’Yung matagal na panahong nanahimik ako sa bintang at kasalanan na hindi ko naman ginawa, pinagpasa-Diyos ko na lang lahat, kasi s’ya naman talaga nakakaalam nang lahat,”

Tagahanga noon ni Jovit Baldivino si Shara Chavez. Nagkaroon sila ng anak noong July 2016, ngunit naghiwalay din after one year dahil diumano sa pambababae noon ni Jovit.