Joshua Garcia, umaasang mabubuo ulit ang love team nila ni Loisa Andalio

ADVERTISING

Joshua Garcia, umaasang mabubuo ulit ang love team nila ni Loisa Andalio

Joshua Garcia & Loisa Andalio
Joshua Garcia & Loisa Andalio

Wala munang ka-loveteam ngayon si Joshua Garcia. Ang partner niya na si Loisa Andalio ay kapareha na ngayon ni Yves Flores sa morning series na Be My Lady. Hindi ba siya naninibago?

ADVERTISING

“Sa akin, okey lang naman po kasi trabaho ‘yon. Sila po ‘yung love team do’n (ni Yves),” sagot niya.

Nami-miss ba niya ang dating ka-loveteam?

“Siyempre nami-miss. Nami-miss din, kasi siyempre nakatrabaho ko siya, eh. Kasi ngayon, bihira na lang kaming magkita, kasi siyempre busy siya, busy din ako, magkaiba kami ng trabaho,” tugon niya.

ADVERTISING

Aware si Joshua Garcia na darating talaga ang panahon na mabubuwag ang tambalan nila ni Loisa Andalio.

“Mangyayari’t mangyayari naman po talaga ‘yon. Hindi na rin po ako nabigla,” sabi pa niya.

Pero umaasa ang binata na sa mga darating na panahon ay muli niyang makakatrabaho si Loisa.

“Sana po. Mas kumportable na kasi akong katrabaho siya, eh,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING