Joshua Garcia, sasakyan ang unang investment

Joshua Garcia, sasakyan ang unang investment

Joshua-GarciaEXCITED ANG isa sa lead cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na si Joshua Garcia dahil posibleng ngayong February ay hindi na siya mag-commute papuntang taping ng unang teleserye niya sa ABS-CBN.
Malapit na raw siyang makabili ng sasakyan, at ayon sa kuwento niya sa amin, anytime this month ay makukuha na niya ang white Starrex na gagamitin niyang serbis. Hay, nakakatuwa naman.
Palagi lang kasing nagta-taxi o minsan ay nakikisabay sa may sasakyan itong si Joshua at siyempre, diyahe ‘yon at masyadong time consuming para sa binata. Ang Starrex bale ang unang investment ni Joshua pagkatapos niyang lumabas sa PBB All In.
Samantala, kahit hindi si Jane Oineza ang ipina-partner kay Joshua sa Nasaan Ka… ay nakatutuwang malaman na suportado pa rin ang team-up nila ng Joshane fanatics. Wala rin silang masamang sinasabi against Jerome Ponce na partner ni Jane sa series.
At least, hindi nangdi-discriminate at nang-aaway ang Joshane supporters. Basta kahit sino ang i-partner sa kanilang iniidolo, they are all willing to support them.
Napanonood ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita tuwing hapon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Flordeliza.

La Boka
by Leo Bukas