Joshua Garcia, ok lang na ‘di ka-loveteam si Jane Oineza

Joshua Garcia, ok lang na ‘di ka-loveteam si Jane Oineza

Joshua-Garcia-Jane-OinezaHINDI ISYU para sa dating PBB All In housemate na si Joshua Garcia na hindi siya kundi si Jerome Ponce ang bagong ka-loveteam ngayon ni Jane Oineza na naging ka-close niya sa loob ng bahay ni Kuya. Sina Jane at Jerome ang bini-build-up na bagong loveteam ngayon sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na nagsimula na noong Lunes sa Kapamilya Gold.
Ayon kay Joshua, okey lang na hindi na si Jane ang ka-loveteam niya ngayon. Happy raw siya para sa aktres na nabigyan ng bagong show ng Dos after PBB.
First teleseye ni Joshua ang Nasaan Ka at kay Loisa, dati rin niyang kasamahan sa PBB, siya ipine-pair.
“Willing naman po akong makatrabaho kahit sino. Wala naman pong problema sa akin at masaya po ako na kapartner ko si Loisa,” tsika pa niya.
Gusto munang mag-focus ngayon ni Joshua sa kanyang trabaho para makabili siya ng sasakyang gagamitin kapag nagti-taping. Wala raw muna sa isip niya ang magka-girlfriend.
“Saka na po ‘yon. Focus muna sa trabaho kasi sayang ang chance,” katwiran pa niya.
Anyway, kasama rin sa cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sina Vina Morales at Denise Laurel. The series is under the direction of Jeffrey Jeturian.

La Boka
by Leo Bukas