Joshua Garcia, malakas ang tama kay Jane Oineza

ADVERTISING

Joshua Garcia, malakas ang tama kay Jane Oineza

Joshua-Garcia-Jane-OinezaANO NGA ba ang tipo ng babae ni Joshua Garcia para pasado sa kanyang standard na maging girlfriend?

Siyempre, dapat bukod sa mabait at maganda, gusto niya ng tipo ng babae na alam niya na makasusundo niya.

Sa showbiz, sila ni Jane Oneiza ang tinutukso at inili-link, kung saan sa bahay ni Kuya sa PBB All In nabuo ang kanilang nasimulang “romance” na sa paglabas nila ay ipinagpapatuloy pa rin sila.

“Jane is one girl po na magugustuhan ko. Mabait po siya bukod pa sa maganda,” kuwento ng tubong Bauan, Batangas na baguhan.

ADVERTISING

“Kahit sino, magugustuhan si Jane. Inggit siguro po ang kahit sinong lalaki na hindi siya ang maging boyfriend. She’s very pretty po. Maganda po siya, ‘di ba?” tanong ni Joshua sa amin when we had a short exclusive tsikahan with him last Sunday.

Kung sa bagay, kung tumingin si Joshua kay Jane nang mga sandaling ‘yun tumatagos. Pansin ko, nakatitig si binata palagi sa magandang mukha ni Jane. May isang tanong nga kami na tila hindi niya naintindihan na pakiwari ko’y na-distract siya sa kanyang concentration while looking at Jane’s beautiful face na ang dalaga ay ngumingiti lang.

No wonder, kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang ABS-CBN Dreamscape Entertainment na mapabilang sila sa bagong teleserye ng Kapamilya Network na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Ang balita na nakarating sa amin, maganda ang chemistry nina Joshua at Jane na aside from the new teleserye ay malamang may pelikula na sila next year (abangan ang balitang ‘yan dito sa Pinoy Parazzi).

Kung may KathNiel, JaDine at JaBea, mayroon ding tawag sa mga bagets. Ang tawag kina Joshua at Jane ng fans nila ay JOSHANE na saksi kami kung gaano ka-supportive ang mga ito sa kanilang mga idols.

We just hope na ang mga pa-like-like nila at beautiful comments sa mga isinusulat namin sa mga kolum namin will transform into sales ng Pinoy Parazzi lalo pa’t nangako kami that we will give them a regular update kina JOSHANE dito kung susuportahan nila kami.

Aasahan ba namin ang mga JOSHANE fans and supporters worldwide sa “ex-deal” na ito?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING