Joshua Garcia at Julia Barretto, susubukan ang tatag ng tambalan sa ‘Love You to the Stars and Back’!

ADVERTISING
Joshua Garcia at Julia Barretto, susubukan ang tatag ng tambalan sa ‘Love You to the Stars and Back’!
Julia Barretto and Joshua Garcia

ISANG MALAKING SURPRISE ang naging success ng pagkakapasok ng pelikulang Vince and Kath and James last year sa Metro Manila Film Festival. Aminin man natin o hindi, ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin ang wish ng Star Cinema na makapasok sa MMFF dahil sureball ito sa takilya.

Dahil sa pagpasok ng launching movie nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Ronnie Alonte as a love triangle sa MMFF ay hindi planadong nakapag-produce ang Star Cinema ng bagong box-office stars.

By the end of August ay masusubukan kung talagang may hatak na sa madlang pipol ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa pamamagitan ng bagong Antoinette Jadaone film na ‘Love You to the Stars and Back’.

JOSHLIA (tawag sa tambalan ng dalawa) will play the roles of Caloy and Mika. Iikot ang kanilang love story sa pagkahumaling ng isa sa mga aliens. Cute and intriguing ang dating ng trailer na inupload ni Direk Tonette sa Facebook at lalong kinilig ang mga netizens dahil ginamit nila ang kantang ‘Torete’ na some years ago ay nagpabaliw sa mga bagets.

Sa ngayon ay hindi visible si Joshua sa telebisyon, pero balitang magbibida ito sa ‘The Good Son’ na hanggang ngayon ay hindi pa ‘ata nag-uumpisa ang taping. Makakasama ng binata ang tambalang McLisse (McCoy de Leon and Elisse Joson). Wala pang nababalitang leading lady for Joshua.

ADVERTISING

Si Julia Barretto naman ay patuloy ang paghahaba ng hair dahil pinag-aagawan pa rin ang karakter nya bilang Chloe nina Tupe (Ronnie Alonte) at Fort (Jameson Blake). Grabe Julia! Pinag-aagawan!

Anyway, we wish JohLia luck sa kanilang bagong movie! Sana ay kumite ito ng bonggang-bongga at ipagpatuloy niyo lang ang pagiging professional. Ayon sa mga feedback na nakalap namin ay magaan daw katrabaho ang dalawa at collaborative.

ADVERTISING