Joshua Garcia at Julia Barretto, pinagtagpo ng tadhana!

ADVERTISING

Joshua Garcia at Julia Barretto, pinagtagpo ng tadhana!

Joshua Garcia at Julia Barretto, pinagtagpo ng tadhana!
Joshua Garcia and Julia Barretto

ANG DAMI nang pinagdaanan ng “special friendship” nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

 
Kung kani-kanino na rin sila inili-link pero sa pagkakataong ito, tila ipinagpapala talaga ang dalawa para mabuo ang JoshLia “special friendship” na hindi lang para sa harap ng kamera kundi maging off-camera.
 
Si Julia, ini-link noon kay Enrique Gil na sinundan naman ni Ronnie Alonte nang magkasama sila sa isang pelikula last year.
 
Si Joshua naman, mula nang lumabas sa bahay ni “Kuya” sa PBB ay ipinagpatuloy nila ni Jane Oineza ang nasimulan nila sa loob ng bahay na nakapagbuo ng fanbase called Joshane na maganda ang epekto sa mga supporters at tagahanga nila.
 
Pero hindi pala naging tama ang timpla.  Habang low-profile ang lovelife ng binata, ang kapartner naman niya na si Jane ay na-link sa isang basketbolista na nauwi naman sa dating kasamahan nila sa PBB.
 
At si Joshua, naghintay ng tamang pagkakataon na sa pagpasok ni Julia sa buhay niya (on and off camera), tila naging tama ang timpla.
 
Joshua Garcia at Julia Barretto, pinagtagpo ng tadhana!
JOSHLIA with Direk Antoinette Jadaone

Now that Joshua is serious with his “panliligaw” kay Julia at ang dalaga naman, okey at open sa posibilidad na officially ay magkakatuluyan sila in real life.         

  
Kaya nga malaki ang tulong sa pelikulang “Love You To The Stars and Back” ng Star Cinema ang off-cam “friendship” ng JoshLia dahil mas “sweet” lalo ang mga eksena nila.
 
“Captured ng kamera ko ang positive aura ng dalawa na makikita ninyo sa screen,” kuwento ni Direk Antoinette Jadaone.
 
Kung titingnan mo sina Joshua at Julia, bagay sila on screen. May tamang timpla.
 
Sa Wednesday, August 30 ay mapapatunayan natin ang sinasabi ni Direk sa kanyang mga artista.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING