Joshua Garcia at Jane Oineza, niluluto na ang tambalan sa bagong serye

Joshua Garcia at Jane Oineza, niluluto na ang tambalan sa bagong serye

Joshua-Garcia-Jane-OinezaBILIB KAMI sa tambalang JOSHANE (Joshua Garcia and Jane Oineza) na nagsimula lang sa PBB, na sa paglabas nila sa Bahay ni Kuya, hindi nila alam na may nabuo na palang loveteam sa kanilang dalawa.

Ang loveteam naman ay nagsisimula kung ano ang gusto ng mga fans. Sila actually ang bumubuo. Sila ang nagdidikta kung sino para kanino. Kung si Joshua or Jane ay para kanino. Sila ba ang dapat magkapareha?

Solid na solid ang mga tagahanga at followers ng dalawa lalo na ang mga bumubuo ng JOSHANE Keepers na sa kabila ng katotohanan na hindi man nag-materialize na ang dalawa ang magtatambal sa panghapong teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, nandu’n pa rin ang suporta nila sa kanilang mga idols.

Si Jane, nili-link kay Jerome Teng (pero waley at hindi matiyaga ang basketbolista) at kay Jerome Ponce (na ang alam namin ay may ibang nililiyag at gusto) na pang-telebisyon lang. Pagkatapos ng teleserye, may kanya-kanya rin silang magiging buhay. In short, ang mga kaganapan ngayon ay isang palabas lang.

Si Joshua, iba ang kapartner sa serye, si Loisa Andalio na alam mo naman na walang chemistry ang dalawa, pero dahil solid ang mga JOSHANE fans, nandu’n pa rin ang suporta nila sa dalawa.

I just hope na ang tambalan ng dalawa na nagsimula sa PBB ay mag-materialize na sa telebisyon at mabigyan ng pagkakataon late this year (2015) na magsama as a real “love team” sa telebisyon.

Sa showbiz kasi, trial ang error kumbaga. Lahat susubukan. Pero kung walang dating, hahanap ang mga “bossing” ng Kapamilya Network ng tamang tambalan at timpla na alam nila ay susuportahan ng mga fans.

Balita namin, may nilulutong project para sa dalawa na sila mismo ang ipapareha sa isat isa. Not a bad idea ‘pag nagkataon. A teleserye na this time sina Joshua at Jane na talaga ang magkapareha. Yehey!

By the way, sa nakaraang Star Magic Sports Festival na isinagawa sa La Salle Greenhills, alagang-alaga (pansin ng isang tsismosa na panay ang abot ni Joshua ng towel at tubig kay Jane, para hindi ito matuyuan ng pawis sa likod at ma-dehydrate) na para sa mga miron, small little acts or gesture can mean a lot. May love kasi…

Reyted K
By RK VillaCorta