Joshua Garcia, hirap mamili kina Loisa Andalio at Jane Oineza

Joshua Garcia, hirap mamili kina Loisa Andalio at Jane Oineza

Joshua-GarciaMASUWERTE ANG Kapamilya teen actor na si Joshua Garcia dahil dala-dalawa ang ka-loveteam niya. Ang una ay si Loisa Andalio at ang pangalawa naman ay si Jane Oineza na pareho niyang kasama sa top rating afternoon soap ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Between the two, wala raw itulak-kabigin si Joshua. Kahit sino raw sa dalawa ay okey lang makapareha niya. Wala raw kasi siya sa estado na pumili, lalo na’t pareho niyang close ang dalawang magandang dalaga. Ang ABS-CBN daw ang masusunod kung sino sa kanila ang ipapareha sa kanya ng Dos.

Si Joshua ay tubong Batangas, 17 years old, at may height na 5’11”. Nangangarap siyang makilala sa showbiz kaya nag-join ng PBB Teens. Under ng Star Magic si Joshua at kapipirma pa lang 2 years contract sa Star Cinema.

John’s Point
by John Fontanilla