Joshua Garcia, ‘di pinayagang umalis sa serye

Joshua Garcia, ‘di pinayagang umalis sa serye

Joshua-GarciaBAGO ANG pasukan ay pinuntahan ni Joshua Garcia ang Gotamco Elementary School sa Pasay City para mamigay ng bags at school supplies sa mga pre-school to grade 3 students. Ibang joy raw ang nararamdaman niya when he is “giving back” kahit sa maliit na paraang alam niya.

Tinulungan si Joshua ng kanyang supporters, ang Tropang Joshua na i-organize ang gift-giving. Tuwang-tuwa naman ang mga bata habang personal na iniaabot ni Joshua sa kanila ang munting regalo. Nagpasalamat din ang mga teachers pati ang principal sa ginawa ng binata.

Si Joshua ay regular na napanonood sa afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita kasama sina Jane Oineza, Jerome Ponce, at Lois Andalio. Muntik na sanang magpaalam sa serye si Joshua kaya lang hindi ito natuloy. Ayon sa aming source, hindi siya pinayagang umalis ng business unit head ng show dahil malaking kawalan siya sa programa.

Kinukuha si Joshua sa isang ongoing primetime series, pero dahil conflict sa schedule niya ang taping ng bagong soap, tiyak na mahihirapan siya. May panghihinayang man, alam daw niyang marami pang magagandang projects na darating.

La Boka
by Leo Bukas