JOSHUA GARCIA, BEKING MACHO BARAKO

ADVERTISING

JOSHUA GARCIA, BEKING MACHO BARAKO

JOSHUA GARCIA, BEKING MACHO BARAKO
Julia Barretto and Joshua Garcia

YESTERDAY, Sunday (Father’s Day) unang ipinalabas ang full trailer ng bagong pelikula ng tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia na ‘I Love You, Hater’ mula sa Star Cinema.

Ang cute ng trailer. Bagay sa dalawa ang mga mala-romcom nila na mga eksena kung saan based sa pagkakaintindi namin sa trailer ay nag-uunahan sila na makuha ang pwesto as ‘assistant” ng Multimedia Queen na si Kris Aquino (siyang-siya sa role niya) na naghahanap kanyang personal assistant.

Sa guwapo ng binata na nagkunwaring “bading” to get the position ay makikipagtagisan siya kay Julia at makikipag-awrahan until ma-develop siya sa dalaga.

Cute ang eksena ng dalawa sa loob ng elevator kung saan nagkadikit ang katawan (dahil nagsiksikan ng mga nasa loob ng elevator) nila na sa last part ng scene ay may pumitlag sa pagitan ng mga binti ng binata.

ADVERTISING

Yes, si Joshua, kahit ‘beki”, ay machong barako pa rin ang Batangueno.

Sa July 11 na ang showing ng ‘I Love You, Hater’ sa mga sinehan nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING