Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla pasok sa cast ng Darna, role na Valentina nakabitin pa rin

Leo Bukas

PINANGALANAN NA ng ABS-CBN kung sino ang mga artistang makakasama ni Jane de Leon sa Darna TV series na magsisimula nang mag-taping sa November, 2021 at ipapalabas next year.

Ang ilan sa mga artistang iprinisenta sa ginanap na virtual lunch ng Pinoy super hero action series ay kinabibilangan nina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla.  Gagampanan ni Zaijian ang character ni Ding, ang nakababatang kapatid ni Darna.

Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla pasok sa cast ng Darna, role na Valentina nakabitin pa rin
Joshua Garcia and Zaijian Jaranilla

“Mahilig siya sa technology at computer games,” matipid na paglalarawan ni Zaijian sa kanyang karakter.

Si Joshua naman ang ang gaganap bilang Brian Samonte Robles, na isa namang police officer. Hindi pa kami sure kung siya rin ang magiging love interest ni Jane sa iconic Pinoy super hero.

Ang iba ang kasam sa cast ng Darna ay sina Gerard Acao, Tart Carlos, Marvin Yap, Yogo Singh, Young JV, Mark Manicad, Joj Agpangan, Levi Ignacio, Richard Quan, Rio Locsin at Kiko Estrada.

May special role naman si Iza Calzado na naging first Darna. She will portray the role of Leonor Custodio, isang “prime warrior” mula sa Planet Marte na siyang ina nina Darna/Narda at Ding.

Inaabangan din kung sino ang gaganap na Valentina, ang kontrabida ni Darna. Wala pa kasing ini-announce ang ABS-CBN tungkol dito pero matunog ang balita na baka ibigay either kina Janine Gutierrez, Arci Munoz, Nadine Lustre at Pia Wurtzbach ang naturang iconic villain role.

Ang Darna TV series ay ididirek ni Chito Rono. Sa ipinatayong studio ng ABS-CBN sa San Jose Delmonte Bulacan gagawin ang taping ng Darna.