JOSHLIA ON PRIMETIME: Joshua Garcia at Julia Barretto, magtatambal na sa teleserye!

ADVERTISING

JOSHLIA ON PRIMETIME: Joshua Garcia at Julia Barretto, magtatambal na sa teleserye!

JOSHLIA ON PRIMETIME: Joshua Garcia at Julia Barretto, magtatambal na sa teleserye!
Julia Barretto and Joshua Garcia

BONGGA ang premiere night last night (Tuesday) ng pelikulang “I Love You Hater” nina Joshua Garcia at Julia Barretto with Kris Aquino na simula na i-showing last Wednesday.

Lovely couple sina JoshLia that evening na halos lahat ng mga kapatid ng young actress ay dumalo sa preem with their mom Marjorie Barretto.

Kapansin-pansin na mas sweeter ngayon sina Joshua at Julia na ang eksena  ni Kris Aquino with her date na si na si Atty. Gideon Pena ay tila natalbugan.

Ngayon na palabas na sa mga sinehan ang pelikula ng “mag-lovers”; ang pagtutuunan naman nila ng pansin ngayon ay ang pagbabalik telebisyon nila as a loveteam na for sure ay ikakatuwa ng mga tagahanga nila.

ADVERTISING

First love story teleserye ng dalawa ang gagawin nila. Tipong love stories na sumikat noon like Langit Lupa, Forbidden Love, na ang peg ay ang tunay na pagmamahalan nina Romeo and Juliet na basehan ng “true and pure love”. In short, tipong poor boy, rich girl ang premise with a twist ang bagong serye ng dalawa.

Wala pa detalye tungkol sa new project nina Joshua at Julia but for sure, as prime artists ng Kapamilya Network, hindi sila papabayaan ng ABS-CBN.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING