Josh, balik-Clique V pagkatapos mag-disappear ng dalawang beses

ADVERTISING
Leo Bukas

PANAY ang Tiktok ngayon ng grupong Clique V habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ang paraan ng grupo para matanggal ang kanilang pagkabagot.

Napapanood tuwing Sunday sa Zirkoh (Tomas Morato) ang Clique V kasama ng mga sikat na stand-up comedian pero dahil nga sa covid-19 kaya pansamantalang natigil ang kanilang gig. Kapag nagbalik na ang operasyon ng Zirkoh, posibleng mag-perform ulit doon ang Clique V.

 

Josh, balik-Clique V pagkatapos mag-disappear ng dalawang beses
Josh Mirabel of Clique V

Anyway, magkakasama sa bahay ng kanilang manager na si Len Carillo ang Clique V boys. May ibang members ang grupo na hindi na namin nakikita pero na-surprise naman kami na nakabalik ulit si Josh Mirabel sa Clique V.

Natanggal noon si Josh dahil sa isyu ng professionalism pero after ng ilang buwan ay nakabalik. Then last year ay nagpaalam ulit ito sa kanilang manager dahil sa personal na dahilan, pero ngayong taon ay muli na naman siyang bumalik.

ADVERTISING

Si Josh ang isa sa original members ng Clique V na katulad nina Sean de Guzman, Marco Gomez at Karl Aquino.

Josh, balik-Clique V pagkatapos mag-disappear ng dalawang beses
Clique V Topless Hunks

Kapansin-pansin na mas gumuwapo ngayon si Josh. Wala na rin ang mga pimples niya sa mukha at lumalabas na rin ang kanyang abs. Ayon sa iba niyang mga kasamahan, nakikita raw nilang mas dedicated at seryoso na ngayon si Josh sa kanyang ginagawa.

Wow. Bongga naman kung ganun. That’s the right attitude, Josh.

Welcome back!

 

ADVERTISING