Joseph Marco, pinakaseksi role daw niya ang sa bagong teleserye

Joseph Marco, pinakaseksi role daw niya ang sa bagong teleserye

Joseph-MarcoPAGKATAPOS NG matagumpay na Pure Love with Alex Gonzaga and Yen Santos, may bagong teleserye si Joseph Marco, ang Pasion de Amor, kasama sina Ejay Falcon, Jake Cuenca, Ellen Adarna, Coleen Garcia, at marami pang iba, at ipalalabas na ito sa Kapamilya Gold simula May 18.

Ayon sa singer-actor, ito na raw ang maituturing niyang pinakaseksing teleseryeng nagawa niya sa ABS-CBN.

“Seksi talaga siya and it’s a good project. Ang ganda ng istorya, kakaiba,” kuwento ng aktor.

Eh, gaano ba ito kaseksi?

“Ang biruan nga namin do’n dahil palagi kaming naka-topless, ‘uy, gamit na gamit ‘yung costume ah.’ Ang daming topless, puro topless. Ready naman ako kasi bago ko naman pinasok itong Pasion de Amor, eh, alam ko na sexy talaga… Ito talaga ‘yung pinaka-sexy ko so far,” pag-amin pa ng aktor.

La Boka
by Leo Bukas