Joseph Marco, maraming kailangang gawin bilang singer

Joseph Marco, maraming kailangang gawin bilang singer

Joseph-MarcoAMINADO SI Joseph Marco na hindi siya magaling na singer tulad nina Michael Pangilinan at Marlo Mortel na kasama niya sa boy group na Harana Boys. Pero ‘di raw naman siya nakararamdam ng intimidation o insecurity sa dalawa.

“I’m really thankful na meron talagang magaling na dalawang singer sa grupo namin, saka may experience na sa banda namin. Kasi, na-challenge ako, eh. Parang I have to prove something. So, in a way, hindi ako na-insecure o na-intimidate.

“Parang inisip ko siya in a good way, na kailangan kong sumabay, kailangan kong galingan, na kailangan kong mag-step-up at mag-level-up, so ‘yon…” sey pa niya.

Pero hindi naman dahil may career na siya bilang singer ay kalilimutan na niya ang pag-arte. “Ay hindi, ‘yung acting kasi, ‘yon ang bread and butter ko talaga. So, do’n talaga ako naka-focus. Kumbaga, ‘yung singing, parang bonus lang. Pero dahil nga ngayon I’m doing it professionally, kaya binibigyan ko na rin siya ng focus. Pero ‘yung main focus ko pa rin is nasa acting talaga,” paliwang ni Joseph.

Isa si Joseph sa mga bida sa teleseryeng Pasion de Amor ng ABS-CBN na napanonood bago ang TV Patrol. Kasama niya rito sina Ejay Falcon, Jake Cuenca, Arci Muñoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia.

La Boka
by Leo Bukas