Joseph Marco, feeling big star na

ADVERTISING

Joseph Marco, feeling big star na

Joseph-MarcoFEELING BIG star na ba itong si Joseph Marco at meron na siyang ganang mag-request sa kanyang mga mall tour?

Naimbiyerna raw ang isang staff ng mall tour dahil nag-request daw itong si Joseph ng isang hotel room for himself. Siyempre, added gastos ‘yon sa production, ‘di ba?

Joseph was galing daw sa isang basketball event before the mall tour. Since pawisan ang beauty niya at hindi naman magandang umakyat siya sa stage na hindi siya fresh ay nag-request daw ang starlet na ito kung puwedeng bigyan siya ng hotel room where he can change sabay makapaligo na rin.

Siyempre naloka ang production staff sa kanyang kahilingan. Sino nga ba naman siya para mag-request ng ganoon, eh, isa lamang siyang starlet.

ADVERTISING

Ang say raw ng staff, alam pala niyang may mall tour siya, eh, bakit siya tumanggap ng basketball event gayong alam na alam naman niyang dapat ay fresh siya sa stage?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING