Joseph Marco, ‘di raw tumigil sa panunuyo kay Alex Gonzaga

ADVERTISING

Joseph Marco, 'di raw tumigil sa panunuyo kay Alex Gonzaga

Alex Gonzaga & Joseph Marco
Alex Gonzaga & Joseph Marco

Never naman palang huminto ng panunuyo itong si Joseph Marco kay Alex Gonzaga.

ADVERTISING

Kung hindi lang napag-usapan sa showbiz ang “panliligaw” ng binata sa dalaga ay dahil ayaw nang palakihin pa ni Joseph sa press ang kanyang pagkagusto kay Alex.

‘Di nga ba’t sa serye nilang “Pure Love” sa Kapamilya Network noon ay naudlot lang ang panliligaw ni Joseph dahil itong dalaga ay tila ayaw bumigay sa pasundut-sundot na panunuyo ng binata hanggang sa matapos ang serye nila at nagkanya-kanya sila ng trabaho? Ngayon, tila mas na-miss ng binata si Alex.

Ganu’n naman yata. Kapag hindi mo nakasasama ang taong gusto mo, kusa mo siyang hinahanap tulad sa kaso ni Joseph kay Alex.

ADVERTISING

Pero suwerte ng binata dahil sa pelikula nila ni Alex na “My Rebound Girl” lately, mas close silang dalawa. Lagi sila kasing magkasama sa mga kaliwa’t kanang activities ng pelikula nila.

Halos araw-araw ay may promo sila at mall shows. Last weekend, magkasama sila sa Cebu at sa show ni Kuya Boy Abunda na TWBA recently, sabay silang nag-guest sila na ang sagot ni Marco sa tanong ng host ay tunay namang ikasisiya ng SephLex fans nila.

Sa Martes, September 27 nga pala, premiere night ng pelikula sa SM Megamall Cinema 7 at showing na nationwide the following day, September 28, nationwide.

Kasama sa pelikula nina Alex at Joseph si Alora Sasam sa direksyon ni Emmanuel dela Cruz.

Sana ang pagkagusto ni Joseph kay Alex ay magpatuloy na ang ending ay isang romantic affair.

Sana, hindi lang sila hanggang promotion at publicity lang, since sina Alex at Joseph ay both certified single at walang commitment sa iba.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING