Joseph Marco & Coleen Garcia: Passion Will Keep Us Together!

ADVERTISING

Joseph-Marco-Coleen-GarciaJOSEPH MARCO
Real Name: Joseph Cecil Marco
Birthdate: October 4, 1988
Zodiac Sign: Libra

COLEEN GARCIA
Real Name: Danielle Claudine Ortega Garcia
Birthdate: September 24, 1992
Zodiac Sign: Libra

KUNG SERYOSO ang tambalang Juan-Norma at very sexy ang Oscar-Sari sa Pasion de Amor, ang tambalang Franco at Jamie naman ang nagbibigay ng pa-tweetums moves sa teleserye ng Dos. Ito ay ginagampanan ng Kapamilya favorites na sina Joseph Marco at Coleen Garcia.

Maliban sa pareho silang swak sa pakyut at paseksi roles, meron pang common denominator ang dalawang bida natin sa kolum na ito – pareho silang Librans!

Yes, they’re both Librans! Does that mean na they’re also compatible pagdating sa love department? Consult natin si Billy Crawford… este, bolang kristal!

ADVERTISING

Having the same zodiac means they have the same positive and negative traits. Alam n’yo ba kung anong ibig sabihin nito? It means this relationship can either go very good or very bad.

Sino nga ba ang makare-resist sa charm ng Libran? Kahit ang kapwa Libran ay walang kawala! Pareho nilang gusto na smooth-sailing ang mga romantic relationships nila at very serious ang mga ito. Lahat ay gagawin nila para maayos ang gusot kung meron man. They will do anything to please their partners, which is good actually.

Aminado naman ang mga Librans na they want the best in life whether we talk about relationships, financial status, and life in general. Medyo mahihirapan lang ang dalawang Librans sa pag-decide kung ano ang logical na makabubuti sa samu’t saring buhay dahil madalas ay pareho lang sila ng opinyon o gusto, lalo na sa mga tricky questions.

Just like their characters as Franco and Jamie, give and take ang relasyong ito. Pagdating sa usaping romansahan ay hindi rin naman sila pakakabog, ‘noh! Passion is on Fire!

Well, it seems na hindi dapat kay Derek Ramsay, na kalabtim ni Coleen Garcia sa Ex With Benefits dapat magselos si Billy Boy, kundi kay Papa Joseph Marco! Buti na lang at gentleman ang napakakisig na boylet na ito. Pak!

Pares-Pares

By Madam DaminJoseph Marco & Coleen Garcia: Passion Will Keep Us Together!

ADVERTISING