Joseph Bitangcol, ligtas na sa kamatayan!

ADVERTISING

Joseph Bitangcol, ligtas na sa kamatayan!

Joseph Bitangcol, ligtas na sa kamatayan!LIGTAS NA SA tiyak na kamatayan ang aktor na si Joseph Bitangcol matapos na madisgrasya noong Miyerkules ng madaling-araw sa Sumulong Highway, kung saan sumalpok ang sinasakyan nitong Mitsubishi sa truck na minamaneho ng driver na si Victor Beltran.

ADVERTISING

Nagtamo ng fracture sa kaliwang bahagi ng bungo si Joseph at nalagasan ito ng ngipin sanhi nang malakas na salpok ng nasabing drum truck.

Iwas magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ni Joseph sa pangyayari, subalit kahapon ay kinumpirma ng Marikina Valley Medical Center na ligtas na ang binata sa tiyak na kamatayan.

Iyak nang iyak si Joseph nang matauhan at mapagtanto na nasira ang makinis niyang pisngi at siya ay nabungi.

ADVERTISING

“Kawawa naman si Joseph, siya ang breadwinner sa kanila, sa kanya umaasa ang kanyang pamilya. Tapos ganito pa ang nangyari sa kanya,” kuwento sa amin ng isang kamag-anak ng aktor na aming nakausap habang naghihintay sa kaganapan sa insidente.

Sa kabilang banda, nakakapagsalita na sa ngayon si Joseph, pero hindi pa ganu’n kasolido dahil iniinda nito ang sakit sa mukha na hanggang sa mga sandaling ito ay may benda pa.

Humihingi naman ng paumahin si Victor Beltran kay Joseph at sa pamilya nito at pati na rin sa iba pang kaibigan ng aktor na nadisgrasya. Ayon kay Victor, hindi niya sinasadyang mangyari ang insidente. “Ngayon lang po nangyari ito sa akin.

Ngayon lang po ako nakulong at nakadisgrasya, kaya humihingi ako ng sorry kay Joseph. Hindi ko naman po ginustong magkabanggaan ang mga sasakyan namin.”

Sa ngayon naka-impound na sa Police Station 2 ang kotse na sinakyan ni Joseph at ang dumd truck.

“Hanggang ngayon, hindi pa natin tiyak kung ano talaga ang nangyari. Hindi natin tukoy kung totoong lasing ang grupo ni Joseph o sobrang tulin ng truck. Basta sa ngayon, ‘yung driver na si Victor ay dito muna sa aming station habang hindi pa tapos ang kaso,” pahayag iyon ng PSP commander na si Randy Amaro.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING