Josep Marco, ‘di ipipilit ang sarili ‘pag ayaw sa kanya

ADVERTISING

Josep Marco, ‘di ipipilit ang sarili ‘pag ayaw sa kanya

Jospeh Marco
Jospeh Marco

Four years na palang walang girlfriend si Joseph Marco kaya walang magiging problema if ever liligawan nga niya si Alex Gonzaga na kapareha niya sa pelikulang “My Rebound Girl”.

“Oo, matagal na rin. Dating-dating, pero alam mo ‘yon, walang ano… ‘Pag may dumadating, sige let’s hang-out with my friends, ganu’n, pero minsan hanggang do’n lang, eh.

“Never akong nakipag-date na kaming dalawa lang. Do’n pa lang sa friends ko na kasama niya, nakikita ko na hindi ito magtatagal, na hindi ito ‘yung babaeng gusto ko,” kuwento pa ni Joseph.

Handa ba siyang dumaan sa butas ng karayom sa panliligaw kay Alex if ever?

ADVERTISING

“‘Yon nga, eh, sabi ko, ready ba ako rito? Hindi ko alam, hindi ko alam. Pero ako naman kasi, once nanligaw ako, kahit gaano pa kahirap I wouldn’t mind. Kasi if I like the girl, magtitiyaga talaga ako.

“Pero ayoko ring ipilit ‘yung sarili ko to the point na na ipagsisiksikan ko ang sarili ko para magustuhan niya ako. Ayoko naman ng ganu’n.

“Kasi in evey relationship it should be mutual para both parties masaya,” katuwiran pa ng actor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING