Jose Manalo, pinatay

Jose Manalo, pinatay

Jose-ManaloHINDI NA ikinagulat ni Jose Manalo na pinatay siya sa panulat ng mga taong walang magawa. Imbes na magalit ay tinawanan na lang niya ang nasulat na namatay siya sa atake sa puso.

“Ang daming nagtawagan na mga kamag-anak ko. Hindi po ako patay, buhay na buhay po ako,” aniya.

Panawagan ni Jose sa kung sinuman daw ang may pakana ng nasabing maling balita ay itigil na raw.

“Itigil na ninyo ‘yan. Kasi ‘yung mga ganyan ay bumabalik sa kung sinuman ang may kagagawan,” natatawang say ni Jose.

Samantalang sa ginanap na Star Award for TV ay nag-tie sina Jose Manalo at Arjo Atayde sa Best Single Performance by an Actor sa katatapos na PMPC Star Award for TV na ginanap sa Solaire Hotel Ballroom. Kinamayan muna ni Jose si Arjo bago tinanggap ang award bilang respeto at pagkilala niya sa actor.

When asked ng press si Jose, bakit niya kinamayan si Arjo samantalang pareho naman silang nagwagi sa nasabing katerkoya?

“Alam ninyo, napakalaki ng respeto ko sa mga Atayde. Noon kasi ay nakitulog ako sa uncle niya at buong puso akong tinulungan nila. Kaya kinamayan ko, bilang respeto sa kanya at kanyang pamilya,” say ni Jose.

Nagpasalamat din si Jose sa Eat Bulaga na hindi siya iniwanan magmula noon hanggang sa magkaroon siya ng problema sa pamilya.

When asked again kung sino sa kanila ng kanyang anak na nanalong best supporting actor sa Cinemalaya Film Festival ang mas magaling ngayon umarte, “Ako, siyempre, hahaha! No, proud ako sa aking anak dahil kinilala nila ang galing sa pag-arte nito sa pelikula,” say ni Jose.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo