Jose Manalo, pinatatanggal sa noontime show?

ADVERTISING

Jose Manalo, pinatatanggal sa noontime show?

Jose-Manalo Jose-ManaloSUSPENDIDO NGA ba si Jose Manalo sa Eat… Bulaga!?

We’re asking this because kumalat sa social media ang pambabastos diumano niya sa co-host niyang si Valerie sa Saturday episode ng nasabing noontime show.

Ang chika sa website na aming nabasa ay tinangka raw halikan ni Jose si Valerie  na ikinagulat nga mga manonood.

True ba na sinabi ito ni Jose kay Val, ‘Nangigigil ako sa’yo Val, puwede bang pahalik?’

ADVERTISING

Super iwas na nga raw si Val sa pag-kiss sa kanya ni Jose pero ayaw pa rin nitong paawat sa paghalik sa dalaga.

Ilang ulit diumanong tinangkang halikan ni Jose si Val pero todo-iwas ang dalaga. At si Ruby Rodriguez naman daw ay biglang itinulak si Val kay Jose kaya muntik na raw itong mahalikan ng komedyante.

Teka, baka naman nagbibiruan lang ang dalawa at part ‘yun ng kanilang joke.

True ba ito? Suspendido ka nga ba, Jose? Any comment, Malou Choa-Fagar?

Anyway, meron na raw umiikot na petisyon para matanggal si Jose sa noontime show. True ba itetch?

Kung mawawala si Jose, tiyak na mapipilayan nang todo ang Eat… Bulaga! dahil isa ang komedyante sa nagdadala ng show.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING