Jose Manalo, pinagbabayaran ang mga kasalanan ng asawa?!

ADVERTISING

Jose Manalo, pinagbabayaran ang mga kasalanan ng asawa?!

SJose Manalo, pinagbabayaran ang mga kasalanan ng asawa?!A MIYERKULES na pala ang pagsisimula ng hearing ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ng asawa ni Jose Manalo na si Annalyn laban sa una.

Malamang na magbibigay na rin daw si Jose ng statement kaugnay ng gulong ito.

Nanahimik lang siya talaga magmula nang lumabas itong Annalyn na nagsalita sa The Buzz nu’ng nakaraang Linggo.

Pero sa dami nang inaakusa sa kanya at lumalaki na ang gulong ito, magsasalita na rin daw si Jose. Hinihintay lang niya ang payo ng abogado niya bago ito magsalita o magbigay ng kung ano mang statement.

ADVERTISING

Ewan ko lang kung magsasalita si Jose at sasabihin niya lahat, dahil tiyak na lalabas ang lahat na kasiraan ng asawa  niya. Eh, nanay naman daw ito ng mga anak niya, kaya nag-iingat din ito.

Sasagutin kaya ni Jose ang lahat ng mga naririnig naming kuwentong ginagawa ng asawa niya?

Ang latest na narinig namin, namumroblema daw ngayon ang Eat Bulaga dahil tiyak na malaki na naman daw ang babayaran nilang bond para makalabas ito ng bansa.

May nakatakdang show ang Eat Bulaga sa Amerika at since kasama si Jose, magbabayad na naman sila ng bond para payagan lang ito makalabas.

Dawit kasi si Jose sa mga kasong isinampa laban sa asawa niya dahil pareho silang signatory sa mga tsekeng tumalbog.

Ito pa rin ‘yung mga dinemanda sa asawa niya na naging dahilan din kung bakit nagbakasyon muna si Jose ilang taon nang nakaraan.

Kaya may hold departure order sila. Para makalabas lang si Jose, nagbibigay sila ng bond na puwedeng bawiin pagbalik nito ng bansa.

Ang daming show ng Eat Bulaga sa ibang bansa, at kapag kasama si Jose, nagbibigay ang Eat Bulaga ng 300 hanggang 500 thousand na bond.

Pagbalik nila, dapat balik din ang bond. Pero hindi naman ganu’n ang nangyayari dahil hindi na nababalik sa mga taga-Eat Bulaga ang pera para sa bond.

Nasa asawa na raw ito ni Jose at hindi na nababalik. Kaya ang pobreng Jose ang nagbabayad nito na kinakaltas na lang sa suweldo niya sa Eat Bulaga.

Kawawa rin ang komedyante dahil sobrang apektado siya sa mga pinaggagawa ng asawa niya. Kaya hindi mo rin masisisi na nagsawa na rin sa katatakip sa mga kapalpakan ng asawa niya.

Dito nga siya na-link sa isang miyembro ng EB Babes na si Mergene, pero tahimik din itong huli.

Hindi naman daw napapabayaan ni Jose ang mga anak nito kay Annalyn. Malabo na rin siguro silang magkabalikan pa dahil sa gulong nangyari. Palagay n’yo ba babalikan pa ni Jose ang babaeng ito, na walang ginawa kundi pawang problema ang inabot ni Jose sa kanya?

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING