Jose Manalo, napagod na sa asawang maraming utang?!

ADVERTISING

Jose Manalo, napagod na sa asawang maraming utang?!

Jose Manalo, napagod na sa asawang maraming utang?!GUSTO NAMING makisimpatiya rito kay Annalyn Manalo, pero ba’t kaya kahit ngiwi ng mukhang naaawa ay hindi namin maibigay sa kanya?

Kasi naman, naaalala pa rin namin ‘yung apat na taong lumapit sa amin, iminit namin sa isang coffee shop at para kaming barangay captain na shoulder to cry on at buhusan ng sama ng loob nila sa asawang ito ni Jose Manalo.

Ilang milyon ang mga utang na dinedma sa kanila ni Annalyn. Na sila-sila mismong mga kausap namin, naging magkakakilala dahil sa kani-lang paghahabol kay Annalyn.

Sila rin mismo ay naaawa kay Jose. Ang sabi pa nga nu’ng isang kausap namin, “Kung ako asawa niyan, hihiwalayan ko ‘yan, eh.”

ADVERTISING

Ang siste pala, itong si Annalyn ay nangungutang tapos mag-iisyu ng postdated checks na kasama na ang tubo. Nu’ng una, good ang mga checks. Tapos, utang uli. And then, doon na nagtatalbugan ang mga checks at kasabay na niyan ang lagi niyang pangakong magbabayad, pero wa pa rin.

Ang ending, ‘yung ipambabayad niya ay inuutang niya rin nang may tubo, kaya nagkakapatung-patong lang ang mga utang niya sa paglobo ng interes.

Saka me nagkuwento pa sa amin na nu’ng naghiwalay nu’ng araw sina Jose at Annalyn, nagkaanak sa iba ang babae, and despite that, binalikan pa rin ito ni Jose at itinuring ng komedyante na parang tunay na anak ang hindi naman nito anak.

Since hindi nagsasalita si Jose, iniisip na ng ibang mahuhusay mang-husga na sumikat lang si Jose ay iniwan na ang pamilya para sa ibang babae.

Aba eh, sino naman tayo para humusga? Sa bahay ba nila tayo nakatira para magmarunong? Alam ba natin kung ano rin ang hirap ni Jose sa misis niya?

Kami ay naniniwalang kung sa pera pa lang ay hindi ka na puwedeng pagkatiwalaan, damay kahit ang ibang pag-uugali mo.

Hindi namin kinukunsinti kung may babae man si Jose at nagawa nitong iwan ang unang pamilya.

Baka nga napagod na rin itong si Jose sa katatakip sa asawa niyang maraming pagkakautang.

 

HINDI TALAGA namin kinaya ‘yung presyong hinihingi raw nitong si BB Gandanghari para lang pumayag itong magpainterbyu sa ABS-CBN talk show particularly sa dating asawang si Ms. Carmina Villarroel para sa “Showbiz Inside Report.”

Ang hinihingi raw ay P650,000.

Juice ko, kahit naman number one station ang ABS-CBN, hindi naman para ibuhos lang nila sa isang tao ang ganu’n kalaking halaga para lang maka-exclusive.

Isa lang ang ibig sabihin nito – ayaw magpainterbyu, kaya nagbigay ng presyong ayaw.

And I’m sure, kahit hindi namin tanungin si Carmina kung sakaling makarating ito sa kanya ay hindi na rin siya para maging interesado pang mainterbyu si BB Gandanghari.

Ang alam lang naming nakara-ting kay Mina ay ‘yung mga salita ni Rustom… este, ni BB na magkahawig na sila ng dating misis at ang naging sagot ni BB ay “Don’t flatter yourself.”

Imbes na mainis ay natawa na lang si Mina.

“Gano’n?” na lang ang nasabi niya.

 

GOOD REVIEWS ang nakukuha ng My Kontrabida Girl mula sa mga movie press na nakapanood ng advanced screening, at ‘yun ang nagtulak sa amin para panoorin ang naturang movie nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

Alam n’yo, in fairness, naaliw naman kami sa movie. Nahabaan lang talaga kami. Meron siyang running time na 1:59 o isang minuto na lang, dalawang oras na ang pelikula.

Mahusay si Rhian. At natuwa kami for her dahil saglit naming nakalimutang nasangkot siya sa abortion issue. Ang ganda-ganda niya throughout the movie.

Isa sa nagdala ng pelikula ang gumanap na alalay niyang si Chariz Solomon na ang husay-husay sa timing ng comedy.

Si Kevin Santos ay pasok na pasok din bilang komedyante, pero ba’t nanaba na ang batang ito?

‘Yung Bea Binene, ang galing ding umarte. Si Jake Vargas ay parang tomboy naman sa kanyang hair. Ang liit na ngang bata eh, nagpapahaba pa ng hair, lalo tuloy lumiit siya.

Si Aljur, saving grace for him ang kanyang paghuhubad, dahil ang ganda ng katawan. Pero payo namin kay Aljur, ang ganda pa naman ng mukha niya, sana, mag-take siya ng acting workshop, promise.

Siya na rin ang nagsabi sa isang VTR na, “’Pag meron kang nagustuhang isang bagay, alagaan mo.” Kaya dapat, alagaan niya ang kanyang craft, dahil baka maagaw ang spotlight sa kanya ng iba.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING