Jose Manalo, ‘di nagpapaapekto sa kahit na anong problema

Jose Manalo, ‘di nagpapaapekto sa kahit na anong problema

Jose-ManaloKAHIT NA anong problema ay hindi nagpapaapekto si Jose Manalo, maging ng problema nila ng dating asawa.

Tuloy pa rin hanggang ngayong ang hearing nila ng ex-wife para sa support na hinihingi ng dating wife at mga anak.

Sa huling hearing nga lang daw nagkaroon ng hindi magandang pangyayari kaya nakasenla na naman.

Pero kahit naabala sa trabaho, tuloy pa rin ang buhay kay Jose. Alam niya ang kanyang pananagutan sa asawa’t mga anak kaya kayod pa rin siya nang kayod.

Nagpapasalamat siya sa Eat Bulaga na hindi siya pinabayaan at iniwan sa gitna ng problema sa buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo