Jose Manalo at Wally Bayola, bugbog sa trabaho Lunes hanggang Linggo

ADVERTISING

Jose Manalo at Wally Bayola, bugbog sa trabaho Lunes hanggang Linggo

Jose-Manalo-Wally-BayolaGMA-7’S SUNDAY noontime show posted a rating of 22.7%  sa pilot episode nito last Sunday. Tinalbugan daw nito ang ASAP 20 na kalahati lang ang nakuhang rating, 11.5%, based on the overnight ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households.

Pero marami ang hindi makapaniwala sa naturang rating.

“ganyang ganyan din ang balita sa sunday all star nung pilot nila pero anong nangyari ligwak pa rin basta agb ang source nganga nalng.”

“Nakupo ayan na naman kayo sa rating na yan kuno. Ni wala ngang tumagal na katapat ang ASAP20. Remember ang SAS at PP mataas din sa AGB Nielsen pero nasaan? Diba nabaon na sa limot?! Ganyan din ang mangyayari dyan. #fact #justsaying.”

ADVERTISING

“ibalik nalang ang sas.. choz! ibalik ang sop o pp.. nakakalola! korny overload.”

Those were just some of the comments ng maka-ASAP. Having watched the pilot episode, mukhang wala namang promise ang show ng mga laos na sina Marian Something and Ai-Ai Something. Ang corny ng jokes nila at nagkakalat pa sa pagho-host ang cast members dahil naghihintayan pa ng cue kung kailan sila papasok.

Actually, naawa kami kina Jose Manalo at Wally Bayola. Why? Kasi naman, wala na silang pahinga. They have Eat! Bulaga from Monday to Saturday and then dumagdag pa itong Sunday show so straight na isang linggo sila kung magtrabaho.

Apparently, masyadong umaasa ang show sa kanilang dalawa to give the viewers the punclines.

Teka, hindi ba naisip ng producer na wala nang pahinga sina Wally at Jose dahil pitong araw na sila sa TV? Or they don’t care anymore? Any comment?

Definitely, hindi dapat ma-threaten ang ASAP. There is no comparison. It’s like choosing between a maya-maya and galungong or a car and a pedicab. Gets n’yo?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING