Joross Gamboa, takot matuluyan kaya ayaw na ng gay role

Joross Gamboa, takot matuluyan kaya ayaw na ng gay role

Joross-GamboaBADING NA naman si Joross Gamboa sa latest film niyang I Love You. Thank You na kinunan pa sa Vietnam, Cambodia, atThailand. Pero hindi raw ito basta gay film. Hindi rin daw siya nagpa-sexy rito.

“Ang controversial scene ko lang dito is ‘yung shower scene ko with a Thai actor. Pero hindi ‘yon malaswa. Lasing kami pareho tapos dahil nga lasing kami, nag-shower kami, ganu’n lang.”

Para kay Joross, last gay role na niya ang pelikula. “Ang dami ko na rin kasing ginawa na bading ako, lalo na sa TV. Kaya medyo tumanggi na rin ako, kasi baka matuluyan na ako,” pagbibiro ni Joross.

“Para sa akin, last na ito talaga. Ayoko na muna. Do’n nga sa Internet, akala talaga ng mga tao bading ako, eh. Hahaha!” dagdag pa niya.

Ang I Love You. Thank You ay isa sa 8 pelikula na kasali sa Filipino New Cinema ng FDCP na ipalalabas simula June 24 hanggang July 7. Strong contender daw si Joross for best actor sa naturang pelikula.

La Boka
by Leo Bukas